Chapter 3 - His Past

2.8K 132 3
                                    

Sino nga ba si Maimai sa buhay ni Tisoy? Isang turista din si Maimai sa Bohol nung makilala ni Tisoy nung 18 years old siya. Sa Amerika nakabase pero nagbalikbayan para gumawa ng isang dokumentaryo tungkol sa pagtatravel sa iba't ibang bansa. Requirement yun sa kurso nitong Tourism at para mag-OJT sa isang Hotel or Resort in another country. Unang kita pa lang niya sa dalaga nagandahan na siya, nangungusap ang mga mata, maganda ang labi. Babaeng babae, magandang magdala ng bestida. Maganda ang boses, magaling magenglish. Mukhang mayaman pero hindi pasosyal. Cool kasama at walang drama. Higit sa lahat tanggap ang pagiging mahirap niya. Kahit nakabalik na ito sa Amerika, may communication pa rin sila at nililigawan na niya ito sa email, chat at sa paguusap nila sa Skype. Nung bumalik ito makalipas ang tatlong taon naging girlfriend na niya. Marami naman silang masasayang alaala sa 11 months na pagiging mag-on nila pero nakipagbreak ito sa kanya at hindi na sila nagkita pa. Ang balita niya bumalik na sa america. At ang araw na nakipagbreak ito sa kanya ang lagi niyang napapanaginipan.

Alas syete na ng gabi nakaalis ng Danao sila Tisoy kaya ng umuwi ito pasado alas nueve na.

Tisoy: Sam salamat sa paghatid, bukas ulit.

Sam: Salamat din Bro!

Tumalikod na si Sam. Umakmang itutulak pa lang ni Tisoy ang pinto ng bigla itong bumukas at sinalubong siya ng suntok sa pisngi at dibdib ni Mang Arturo.

Mang Arturo: Saan ka na namang galing na tarantado ka, mamamatay na ako sa gutom, wala pang pagkain!

Bumalandra si Tisoy sa gilid ng kawayang papag na nasa gilid ng bahay nila. Hindi pa nakuntento lumapit pa ito at tinadyakan si Tisoy.

Tisoy: Tay, pasensya na ho, eto ho may dala akong pagkain. Tay tama na ho, hindi na ho mauulit.

Narinig yon ni Sam. Napabalik ito . Nakita niya na tinatadyakan ni Mang Arturo si Tisoy sa binti, hita at tyan.

Mang Arturo: Sinabi ko sa yo ayoko ng umuuwi ako na wala ka pang tarantado ka! at walang pagkain dito!

May ilang kapitbahay na din ang lumabas para tignan kung anong nangyari.

Sam: Mang Arturo, ano ba?!

Itinulak ito ni Sam. Inambahan ng suntok ni Sam si Mang Arturo. Mabilis na tumayo si Tisoy, hawak ang tyan. Pero hinawakan ang kamay ni Sam.

Tisoy: Sam, huwag! Tay pasensya na ho, sa Danao ho kasi kami galing eh ginabi lang ho sa trabaho.

Sam: Huwag ka ngang humingi ng pasensya dyan. 'tangna! Ang kapal ng mukha mong saktan si Tisoy Mang Arturo. Siya na ang pinagtatrabaho mo sasaktan mo pa. Eh gago ka pala eh!

Tisoy: Sam, Tatay ko yan, tama na.

Sam: Alam ng lahat na hindi mo Tatay yan, itinuturing mong Tatay pero ikaw anong ginagawa niya sa yo! Kung utang na loob ang pinagbabayaran mo Tisoy, matagal ka ng bayad. Matagal ko ng naririnig ang pinagmamalupitan ka ng hayop na to eh.

Mang Arturo: Oy Samuel, huwag kang makialam dito!

Sam: Huwag makialam? Pangaabuso yang ginagawa mo sa kaibigan ko! Ano, galit ka kay Tisoy dahil anak siya sa iba ng babaing pinakasalan mo! Si Tisoy mabibilog mo ang ulo pero alam ng mga tao dito ang totoo. O galit ka kay Tisoy dahil iniwan ka ng asawa mo. Kasalanan ng katamaran mo kung bakit ka iniwan ng asawa mo! Huwag mong isisi kay Tisoy ang kasalanan mo! Maswerte ka nga hindi ka iniiwan nitong tangang kaibigan ko dahil kung ako siya matagal ka na sanang namatay sa gutom na hayop ka!

Tisoy: Sam tama na! Halika na! Tay, ayan ho ang pagkain sa papag, sige na ho pumasok na kayo.

Sam: Ayan, lamunin mo ang pagkaing pinaghirapan ng taong sinasaktan mo! Hayop! Ang itim ng budhi mo! Susunod na saktan mo si Tisoy ipadadampot kita kay Tatay!

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon