Chapter 52 - Family goals

2.8K 151 6
                                    

Magkasabay na umalis sa Resort ang kotse ni Julia na si Vinz ang nagmamaneho sakay si Julia, Arturo at Rosario.  Lulan naman ng kotse ni Tisoy si Maine at ang mga gamit nito.  Tahimik si Tisoy at naninibago si Maine.

Maine: Tama si Mang Rene, tahimik ka.

Tisoy:   Hindi naman maingay ako at makulit kapag nakikipagkulitan sa kanila. Ganon lang ata talaga kapag nagmamature na.  Maraming iniisip tungkol sa buhay buhay at negosyo.

Maine:  Sabagay, si Tito ba busy ngayon?

Tisoy:  Hindi naman, since marami ng trabahador sa pagawaan, mas madalas na kasama siya ni Nanay don sa Roma's.  Nasa  pagawaan lang yon kapag may mga bago akong design,  gagawin niya at ituturo ito sa mga trabahador.  Pero last week lang niya natapos ang mga bagong designs ko at may umorder na at kailangang maideliver yon this week.  Bakit?

Maine:  May property akong gustong ipakita sa kanya dito sa Bohol.  Tatayuan ng maliit na bed and breakfast.  Pero hinihintay ko pa din yung plans so siguro by the end of next week.

Tisoy:  Oo, sabihan mo lang siya.  Sabi ko sa yo, you are more of an entrepreneur than I will ever be. 

Maine:  Pera lang ang meron ako Tisoy but the know how wala ako non.

Tisoy:  Well then, you can consider me as your consultant, for free.

Pero alam ni Maine na masakit para kay Tisoy for her to consider him as anything else but the man she loves and her partner in life.

Maine:  Tisoy, I'm sorry... if it seems like I am making it hard for you.

Tisoy:  You don't have to say sorry.  Naiintindihan ko naman, it is hard to go back to how we are before. May tatlong taon na  dumaan sa pagitan natin  hindi naman basta pwedeng baliwalain yun. I wouldn't like that too.  You sharing your business plans with me is a good start.

Ngumiti si Tisoy. Tumunog ang phone ni Tisoy, ikinabit ni Tisoy ang headset sa tenga at sinagot ang tawag.

Tisoy:  Tay? Bakit ho? Opo, nakasunod po kami sa inyo.  Sa Starbucks po? Ok po.

Maine:  Bakit daw?

Tisoy:  Gustong dumaan nila Tatay sa Starbucks nagpapalibre ng kape.

Maine:  kape at this time of night?  Pero ok din, I miss Starbucks.

Pumarada sila sa harap ng Starbucks.  Si Arturo at Tisoy ang umorder ng inumin nila. Pagbalik bibit ni Arturo ang mga Frap at ni Tisoy ang tatlong slice ng new york cheesecake.

Napagkwentuhan nila ang kasal ni Sam at Diane, kung gaano ito kasaya at kung ano-ano pang tungkol sa buhay

Maine:  Jules sa bahay nila Sam sila titira?

Julia:  Oo, kasi lagi namang nasa Maynila ang parents ni Sam kaya sa kanila na ibinigay yung bahay.

Arturo:  Kayo ba Vinz, may plano ng magpakasal? 

Vinz:  In a year or two pa po Tito. Pagkagraduate na ni Vivian.

Maine:  May work ka na Vinz?

Vinz:  Ako na ang nagmamanage ng adventure park.  Napagod na si Papa eh.

Tisoy:  Wow, Papa na talaga ang tawag mo ha.

Vinz:  Bakit si Maine nga Tatay ang tawag kay Tito eh.

Napangiti lang si Maine. Napahawak naman si Tisoy sa batok.

Arturo:  Anong plano mo Maine?

Maine:  May nabili ho akong beach front property dito at gusto kong gawing resort.  May bahay ho yung property, maganda pa ho kaya ayokong galawin tsaka para may mapupuntahan tayo kapag gusto nating magrelax.  Pero malawak pa ho yung lupa kaya pwede pang magtayo ng bagong  building at least two or three floors. Gusto ko ho sanang kayo ang contractor ko Tay. 

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon