Chapter 26 - Getting closer

2.5K 157 8
                                    


Makalipas ang dalawang linggo, bumiyahe nga pamaynila si Arturo at Rosario. Huwebes, pumasok sila Maine, Tisoy, Julia at Vinz sa eskwela at doon na din sa canteen nagtanghalian. Pagkatapos ng klase, sabay-sabay silang umuwi, nagluto ng hapunan si Maine at pagkatapos maghapunan, magkakasamang gumawa ng assignment at nakatulog agad. Biyernes naman, pagkagaling sa eskwela nagbukas sila ng Roma's dahil wala namang pasok kinabukasan alam nilang maraming customer. Si Julia ang nasa Cashier, si Vinz nagwaiter at si Tisoy at Maine ang nagluluto. Tama sila, marami ngang taga BISU ang kumain. Tumawag din si Sam na dadaan doon ang mga customer nila at ang gusto pansit, pinakbet, adobong manok at lechon kawali na good for 12 people. Makalipas ang 45 minutes dumating si Sam at ang mga foreigner na customer nito. Inihain ni Vinz at Red ang mga pagkain at nagkainan ang mga ito. Makalipas ang 15 minutes dumating si Diane, dere-derecho kay Maine, hindi napansin si Sam.

Diane: Vinz, sabay tayong umuwi ha. 

Vinz: Hindi ako uuwi eh, wala kasi sila Tay Arturo at Tita Rio.  Dito kami ni Tisoy natutulog habang wala sila. Pero sige ihahatid ka na lang namin ni Julia.

Sam:  Huwag na Vinz, isasabay ko na lang sya.

Diane:  Nandyan ka pala, anong nakain mo at kinakausap mo ako at isasabay mo pa ako?

Natatawa si Vinz at Tisoy. Niyaya ni Sam si Diane na magusap sila sa labas. Pumayag naman ito.

Vinz:  Hay sa wakas natapos din ang iwasan blues nila.

Maine:  Bakit sila nagiiwasan?

Tisoy:  Nililigawan ni Sam noon si Diane eh bawal pang magpaligaw ayun nasaktan si Sam, simula non hindi na siya kinausap o pinansin pa ni Sam.

Julia:  Kaylan yon?

Vinz:  Four years ago.

Maine: Wow! Ang tagal non ah. So,  ngayon lang nakamove-on si Sam?

Vinz:  Si Sam?  Hindi yan nagmo-move on, mahal niya lang talaga si Diane.

Tisoy:  Oo, wala ng ibang niligawan si Sam, siguro ngayon since nasa tamang idad na at matatapos na sa pagaaral si Diane, malamang humirit na ng second chance yang si Sam.

Julia:  Grabe, saang planeta ba kayong lahat ipinanganak at bakit ganyan kayong magmahal? Si Sam hindi makamove on kay Diane, tapos ikaw din Tisoy.

Tisoy:  Ganon talaga, kapag nainlove ka na ng totoo mahirap kalimutan yon.

Bandang 8:30 nagbayad na ang customer ni Sam.

Sam: Nasarapan sila sa pagkain ninyo, open na daw ba kayo ng 8:30 am para dito sila magbreakfast?

Maine: Yes, we are open by that time but, we do not serve ala carte menu's because we have all Filipino breakfast buffet at 250 pesos each.

Sumagot ang isang foreigner... "that sounds a fair price for buffet breakfast. Sam, you will bring us here tomorrow before we start our tour."

Sam: of course... Maine, dagdagan mo kaibigan nila yung mga pasahero ni Paeng baka mayaya yon dito.

Maine:  Sige, thanks for the heads up Sam, ingat kayo.

Sumakay na ang mga turista sa Van ni Sam at pinagbuksan nito ng pinto si Diane para maupo sa tabi ng driver's seat.  Nagkatinginan si  Vinz at Tisoy at naghigh five.

Pagalis ng mga ito. Lumapit si Tisoy kay Maine.

Tisoy: Hindi ka ba lugi sa presyo na yon?

Maine: Don't worry hindi.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon