Chapter 4 - Her Past

2.7K 134 4
                                    

Nasa farm sila Julia at Maine nang umagang yon.  Nagaalis ng mga damo at nagdidilig ng mga halaman habang nagkukwentuhan.

Julia:  Maine, ano papasok ka na ba sa pasukan?

Maine:  Oo decided na ako.  Gusto kong makatapos at dahil dito sa Bohol gusto ni Mama manirahan talaga.  I'm taking up BS in  Entrepreneurship.

Julia:  Oy, pareho tayo, actually yan ang first choice  ko ang second choice Tourism. San ka magaaral dito o sa Manila?

Maine:  Dito na lang, sabi naman ni Mama maganda daw don sa Bohol Island State University or sa University of Bohol. 

Julia:  Diyan din ako pinapakuha ni Papa eh. Pero sabi ko magte-take ako ng exam sa lahat ng University sa Tagbilaran para mas maraming option di ba?

Maine:  Sige sabay tayo.

Julia:  Pero at least ikaw may natapos na kahit papano

Maine:  Two year course lang yon ng Computer tsaka Culinary Arts. Meron kasi sa States nung mga short courses eh.  Pero ngayon mukhang mageenjoy ako kasi pwedeng magkaklase tayo since pareho tayo ng course.  

Julia:  Oo nga masaya yon.  Curious ako,  after your transplant yung mga gusto mo noon, yun pa din ang gusto mo ngayon? I mean may nabago ba? Katulad sa course na gusto mong itake-up?

Maine:  Sa choices wala, I really have the passion for cooking and I am computer buff since I can remember.  Pero may dalawa lang, I think I value time and life more now tsaka yung nagtetake ng risks, hindi ako ganon noon eh.  Kaya nga ako nagcomputer at cullinary kasi alam kong gusto ko pareho yun at interesado ako.  Hindi katulad ni Maicey, she likes taking risks in everything.  Ang hilig non fashion at movies pero ang course na kinuha niya Tourism, ang layo di ba?  

Julia:  Bakit daw yon ang kinuha niya?

Maicey:  Basta gusto niya lang parang tingin niya maganda yon. Kahit walang alam sa business nagbukas ng sariling RTW shop.  Hindi siya natatakot na magfail.  Kahit nga sa love risk taker yon.  Nakipagligawan nga yon online eh tapos umuwi siya dito naging boyfriend niya kahit alam naman niyang hindi siya magtatagal dito.  Basta gusto lang niyang maranasan.  So yung mga extreme sports palagay ko kay Maicey ko nakuha. I'm not complaining thou kasi parang mas lumakas ang loob ko pero there is still one thing na kinatatakutan ko na baka hindi kayanin ng puso ko.

Julia:  Ano naman yon? 

Maine:  To love again. Kasi naranasan ko ng magmahal  ng mga bagay at taong mahalaga sa akin katulad nung pet ko, friend ko at pamilya ko  at sobrang sakit yun  nung nawala sila. Now, having Maicey's heart, masasaktan din kaya ako or would it be like her na parang wala lang.

Julia:  Teka, hindi ka pa nagkaboyfriend?

Maine: Hindi eh, may mga nakadate naman ako pero wala eh. Ikaw?

Julia:  Meron nung 18 ako, americano pero tipong bf ko lang siya kapag nandidito siya.

Maine:  A seasonal parang prutas lang

Nagtawanan sila.

Julia:  Tagal na nating magkaibigan ngayon ko lang nalaman na hindi ka pa pala nagkabf. Hindi halata eh.

Maine:  Bakit naman?  Mukha ba akong pinagpasa-pasahan na ng mga boys?

Julia:  Hindi, kasi you have tons of guy friends. Malapit ka sa kanila, kahit bagong kakilala hindi ka naiilang sa mga lalaki tsaka alam na alam mo ang sasabihin at gagawin mo sa harap nila kaya akala ko expert ka eh.

Maine:  Kunyari lang yon, mahilig lang akong manood ng romcom tsaka asianobela.  Tapos inaapply ko yung mga napapanood ko.

Ang lakas ng tawanan nila.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon