Chapter 10 - Kabig ng dibdib

2.3K 140 2
                                    

Byernes ng umaga, dumaan si Sam kila Tisoy

Sam:  Oh ano na?  Magaalas otso na wala ka pa kaya pinuntahan na kita.

Tisoy:  Medyo masama ang pakiramdam ko eh, masakit ang mga kalamnan ko. Pero sige sasama ako kapag tumuloytuloy uuwi na lang ako.  Ikukuha lang kita ng pasahero.

Sam:  Sigurado ka?

Tisoy:  Oo, ikaw pa ang lakas mo sa akin eh.  Kahit kelan hindi kita iiwan sa ere.

Parang nakunsensya naman si Sam.

Sam: Pre, yung  lakad ko nung huli na hindi kita isinama, wala naman kasing kita yon. Ginawa ko lang para sa isang kaibigan.

Tisoy:  Alam ko.  Nakita ko kayo.  Nabanggit kasi ni Bugoy na lipat-bahay daw yung raket ninyo eh iisang tao lang naman ang alam kong maglilipat ng bahay.  Kaya pinuntahan ko kayo nandon ako sa tindahan sa tapat.  Ang saya nyo nga eh.  Siguro ayaw niya akong isama no?

Sam:  Ang totoo, si Julia ang nagsabing wag kang isama at ayaw din naman namin na magkabanggaan pa kayo.  Pasensya na bro.  

Tisoy:  Ok lang, wala yon naiintindihan ko kayo. Kasalanan ko naman eh.  Kamusta naman sila?

Sam:  Ok naman, ang bait ng Nanay ni Maine. Kilala ka nga niya eh

Tisoy:  Papano naman niya akong nakilala.

Sam:  Naikuwento ka ni Maine, pero ayaw naman maniwala ng Nanay niya na hindi ka mabuting tao dahil mababait naman daw kami kaya hindi niya maintindihan kung bakit walang masabing maganda tungkol sa yo si Maine.

Tisoy:  Hindi ko din naman siya masisi, puro kapalpakan naman talaga ang nakita niya sa akin eh.

Sam:  Ipinagluto niya kami ng Carbonara, ang sarap bro, grabe!  Makakalimutan mo si Maimai kapag natikman mo ang luto niya. Magbubukas sila ng kainan at tindahan kaya may matatambayan na tayo.

Tisoy:  Baka kayo, papano naman akong tatambay don eh galit nga sa akin.

Sam:  Bro, gawan mo na kasi ng paraan, magsorry ka. Ikaw naman ang mali eh.

Tisoy:  Yaan mo susubukan ko.

Nang mapuno ang Van ni Sam, nagpaalam na itong uuwi para magpahinga.  Pero sa tindahan sa tapat ng bahay nila Maine siya nagpunta. Tinitignan niya kung nandon si Maine at Julia pero wala ang kotse ni Julia sa garahe.  Mayamaya nakita niya ang isang maganda pero may idad ng babae.  Naisip niya baka yon ang Nanay ni Maine.  Nakatayo ito sa harap ng  nakabukas na tindahan at nagiisip.  Tumawid siya at binati ito.

Tisoy:  Magandang umaga ho.

Rosario:  Magandang umaga naman

Tisoy:  Magtatanong lang ho kung kailangan ninyo ng kasambahay?

Rosario:  Susmaryosep ang gwapo mo namang kasambahay. Naghahanap ka ba ng trabaho?

Tisoy:  Oho sana, magaaral ho kasi ako diyan sa BISU eh gusto ko hong magworking student. Alam niyo na para may pambili ng gamit, pangbaon at pambayad na din ho sa utang ko sa coop namin para makapagenroll.

Rosario:  Halika, kung mabibigyan mo ako ng idea kung papano ko aayusin ang tindahan ko baka sakaling mabigyan kita ng trabaho. Ang lugar na yan, gusto kong gawing tindahan ng mga gulay at kainan na din. Pero papano ko gagawin  yon?  a Eh magiging masikip, hihdi ba?2

Tisoy:  Pahiram po ng ballpen at papel.  (Ibinigay naman ni Rosario ang papel at ballpen na hawak) Lalagyan pa ho ba ninyo ng kusina ito?

Rosario:  Hindi, kasi yang pinto diyan sa likod sa kusina ang tumbok niyan eh.  Iyang dingding sa dulo sa bandang kaliwa, gusto kong ilagay ang isang counter para sa cashier at magsisilbing lababo na din na hugasan ng mga plato. Tapos kabinet ng mga pinggan, baso ang likod ng counter, tapos lamesa at silya na. Saan ko pala ilalagay ang ulam?

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon