Chapter 59 - Karibal

3.1K 156 7
                                    

Nang gabing yon hindi makatulog si Tisoy.  Naupo sa swing sa garden habang umiinom ng beer. Naiisip niya ang narinig na pagkukwentuhan ni Maine at ng mga kaklase nito.  Natutuwa naman  sa narinig niya mula kay Maine.  Dahil ramdam niya ang sobrang pagkaproud nito sa mga nagawa niya pero hindi pa rin niya mapigilang naglalaro sa isip ang sinabi ni Bryan... "hindi pa naman sila kasal kung magasawa nga naghihiwalay yan pa kaya."  Naiisip din niya kung ano nga ba ang business ni Bryan, "Manager ng isang banko.  Siguro marami ng ipon yon?  Eh ako  ano ang aabutin nitong 300 thousand ko. Baka kasal pa lang ubos na ito eh."  Napabuntunghininga si Tisoy.

Makalipas ang kalahating oras pumarada sa harap ng bahay ang sasakyan ni Maine.  Si Arturo ang nagdadrive nito.  Pinagbuksan ng gate ni Tisoy si Arturo.

Tisoy:  Oh Tay, bakit nandito kayo?

Arturo:  Wala naman naisip ko lang matagal na din akong hindi nakakauwi dito eh.

Tisoy:  Yung totoo Tay?

Arturo:  Nagaalala lang ang Nanay mo.  Simula kasi ng umalis yung mga kaklase ni Maine nahalata namin na tahimik ka. Kakaunti din ang kinain mo ng tanghalian at hapunan eh.  May problema ka ba?

Tisoy:  Si Nanay talaga... teka ho at ikukuha ko kayo ng beer.

Naupo si Arturo sa kabilang upuan ng swing. Bumalik at naupo si Tisoy sa tapat ni Arturo, iniabot ang beer sa ama.

Arturo:  Anong problema Tisoy.

Tisoy:  Wala ho Tay, ok lang ako.

Arturo:  Baka nakakalimutan mo na buong buhay mo ako ang kasama mo kaya alam ko kapag may gumugulo sa isip mo o may pinoproblema ka.

Tisoy:  Hindi naman ho problema medyo gumugulo lang sa isip ko na kulang pa ang naipon ko, kulang na kulang pa. Napakaliit pa para makabuhay ng pamilya.  Kaya kapag naiisip kong magpakasal nagdadalawang isip tuloy ako dahil kakapiranggot pa lang ang pera ko.

Arturo:  Kulang? May tamang presyo ba ang pagpapakasal?  Hindi ba dapat ang dahilan ng pagpapakasal ay dahil mahal mo at sigurado kang siya na ang gusto mong makasama habang buhay?

Tisoy:  Kung yan lang ho talaga eh di matagal ko ng niyayang magpakasal si Maine. Nagiging praktikal lang ho ako.  Hindi naman ho natatapos ang lahat sa araw ng kasal lang eh.

Arturo:  Bakit gusto ba ni Maine ng isang marangyang kasal?

Tisoy:  Hindi ho ba yon ang nararapat sa mayamang katulad niya?  Kaya yun ho ang gusto kong ibigay sa kanya.

Arturo:  Hanggang ngayon ba Tisoy mas mababa pa rin kay Maine ang tingin mo sa sarili mo? Anak, maaaring marami siyang pera pero mas malayo ang narating mo, nakatapos ka ng pagaaral, nagkaroon ng negosyo mula sa sariling pagod mo. Siya, ang pagiging mayaman niya namana lang niya.  Isa pa kahit kaylan hindi ka tinignan ni Maine ng kasing baba ng pagtingin mo sa sarili mo.

Tisoy:  Alam ko naman ho yon Tay, siguro ayoko lang dumating yung pagkakataong hindi ko maibigay sa kanila ng anak ko ang buhay na nakasanayan at nararapat para sa kanila.

Arturo:  Anak,  hindi mo dapat iniisip ang mga ganyan.  Dapat ang iniisip mo lang pinatunayan sa yo ni Maine na pati buhay niya ibibigay niya sa yo dahil sa pagmamahal na meron siya para sa yo.  Yun lang sobra sobra ng dahilan para patunayan mo sa kanya na siya lang ang gusto mong makasama habang buhay.

Ngumiti na lang si Tisoy.  

Makalipas ang dalawang linggo, dumating si Bryan sa bahay nila Maine. Wala nang mga oras na yon si Tisoy.  Pinatuloy naman ito ni Maine sa salas at pinaupo.

Maine:  Oh napadaan ka Bry?

Bryan:  Ikaw talaga ang sadya ko, dinadalaw kita.

Maine:  Ano ka ba magaling na ako, hindi mo na ako kailangang dalawin.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon