Chapter 13 - Weakness

2.3K 146 7
                                    

Dumaan ang tatlong linggo, sa loob ng mga araw na yon ginawa ni Tisoy at Arturo ang mga furnitures na order ni Rosario.  Gumigising si Tisoy ng maaga, sumasama kay Sam sa airport bandang alas syete, ihahanap niya ng customer si Sam kapag napuno bandang alas nueve umuuwi na ng bahay para tulungan ang ama.  Kumikita si Tisoy mula limang daan hanggang isang libo't limang daan sa isang araw sa tour.  Depende sa sakay, kapag puro foreigner 1,500 ang binibigay sa kanya ni Sam. Lahat ng pera niya inilalagay niya sa isang lata ng biscuit na nahingi niya kay Aling Mameng.

Habang nagtatrabaho, kain ng tanghalian lang ang pahinga nila. Hanggang maliwanag hindi tumitigil.  Natatapos sila bandang alas sais y medya ng gabi.  Dahil gusto nilang matapos yon bago magpasukan.  Dahil pareho ng pagod bibili na lang ng lutong ulam si Tisoy at magsasaing.  Pagkatapos maghapunan, pupunta sa internet shop ni Mang Kanor magbabasa basa at magpapractice ng english ng isa o dalawang oras hanggang antukin at uuwi ng bahay para matulog.

Natapos naman nila Tisoy ang ipinagawa ni Rosario. Nasa harap ng bahay nila Tisoy ang mga ito at pinatutuyo ang barnis.  Nakaupo ang magama habang umiinom ng buko juice. May mga nakatambay na naman sa tindahan at nagtsitsismisan. Nakatingin kila Tisoy at Arturo ang mga ito.  Nakita ito ni Tisoy.

Tisoy:  Tay, mukhang laman na naman tayo ng balita sa tindahan ah.

Arturo:  Huwag mong pinagpapapansin yang mga yan, wala na namang magawa sa mga buhay nila kaya buhay ng iba ang pinagkakaabalahan.

Dumaan si Mang Kanor.

Mang Kanor:  Arturo, mukhang natapos na ninyo ah at magagandang lahat.

Arturo:  Si Tisoy ho ang nagdesenyo.

Mang Kanor:  Tisoy, baka pwede mo namang tignan yung Internet shop ko, gusto kong dagdagan eh kaso mukhang wala ng espasyo. 

Tisoy:  Tata kanor, wala na hong espasyo yon ang lalaki ng lamesa mo eh

Mang Kanor:  Sige na Tisoy, silipin mo at gawan ng design.

Tisoy:  Sige ho, mamayang hapon ho bago ako magdeliver, dadaan ako doon. Kapag nagawan ko ng design, ano hong ibabayad ninyo sa akin Computer?

Mang Kanor:  Walang problema don Tisoy, pagusapan natin yan.  Malakas ka naman sa akin eh

Nakangiting lumakad na si Kanor.  Mayamaya lumapit si Aling Mameng.

Aling Mameng:   Arturo, ano yang kabinet na yan, yang may takip?

Arturo: lalagyan ho ng gulay.

Aling Mameng:  Pwede mo ba akong igawa niyan? yung kasya dito sa harap ng tindahan ko.

Arturo:  Sige ho, mamaya susukatan at pepresyuhan ko.

Tisoy:  Pano ba yan Tay, mukhang  hindi tayo makakapahinga nito. May bagong kliyente na naman tayo.

Arturo:  Napakaswerte ko sa yo Tisoy.

Tisoy:  Ayan ka na naman Tay eh maiiyak na naman ako niyan eh. Maliligo na ho ako, puntahan na ninyo si Ninong at hiramin ang track para mamaya maideliver ko na ang mga ito.

Dinukot ni Tisoy ang cellphone sa bulsa at magtetext sana kay Sam. Naalala niyang itext si Rosario para sabihing magdedeliver na siya mamaya. Sumagot naman ito sinabing, uutusan niya sila Maine sa Grocery at magpaalam siya sa Tatay niya na don siya maghahapunan.

Arturo:  Oh bakit?

Tisoy:  Tay, ok lang ho ba doon ako maghahapunan kila Tita Rio? 

Arturo:  Oo naman. Mabuti pa isama mo na ang driver ng Ninong mo para pagkababa ng mga yan maipauwi na ang truck at baka gagamitin pa nila.  Aabutan ko na lang ng pangsigarilyo. Birthday din ni Pareng Melchor, magtitinolang native daw, doon na ako kakain.  Papano yan magkikita na kayo ni Maine sa bahay nila?

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon