Chapter 24 - Family goals

2.5K 130 2
                                    

 Kinabukasan bandang alas diyes ng umaga dumating sa Roma's sila Arturo at Tisoy sakay ng isang elf truck na dinadrive ni Vinz.  Pinagbuksan sila ng gate ni Julia.

Julia:  Good morning po Tito.

Arturo:  Good morning din.

Julia:  Tuloy ho kayo, nandyan ho sa salas si Tita Rio.

Pumasok sila sa sala, tumayo si Rosario at nagbeso kay Arturo.  Nagmano naman si Tisoy at nagbeso si Vinz.

Arturo:  Magandang umaga, kamusta naman ang tulog ninyo? Nakapagpahinga ba kayo ng maayos?

Rosario:  Oo naman, napasarap nga ng tulog eh tanghali ng nagising.  Nag almusal na ba kayo? Nak, kain muna tayo, sabayan ninyo ako.

Tisoy:  Kumain na ho kami Nay.

Tinignan siya ni Arturo...

Tisoy:  Pero sige po, para may kasabay kayo. Vinz tara.

Naupo sila sa dining table.

Arturo:  Wala yata ang anak mo Rosario?

Rosario:  Nasa kwarto

Julia:  May sumpong ata eh, kagabi pa yon tahimik paguwi namin.

Arturo:  Nagaway ba kayo Tisoy?

Tisoy:  Hindi ho Tay, ano naman hong pagaawayan namin, magkaibigan kami maaaring may mga opinyon kami na magkaiba. Hindi naman ho pwedeng parati kaming pareho ng pinaniniwalaan. Kailangan lang ho siguro naming tanggapin na ganon talaga yon.  Sa akin ho wala yon, ewan ko lang ho sa kanya?  Besides, ang nagaaway lang ho yung magasawa o magkasintahan. Kami ho magkaibigan wala kaming hindi iintindihin para sa isang kaibigan. Nay ano ho bang agahan?

Rosario:  Ay ayan, may sausage, bacon, eggs, at fried rice.

Tumayo si Rosario at nilagyan ng pagkain ang pinggan ni Tisoy ganon din ang pinggan ni Arturo. Napangiti si Arturo, nakita ni Tisoy yon nasa isip "ang babaw talaga ng kaligayahan nitong Tatay ko."

Tahimik na kumain si Tisoy, habang nagkukwentuhan at kumain si Julia at Vinz. Nagpapakwento naman si Rosario tungkol sa mga tao sa Bartolome.

Matapos kumain, itinuro ni Rosario ang mga gamit na ipadadala sa bahay nila.

Rosario:  Eto ang kama ko noong nasa Danao kami iuwi mo na para magamit mo.  Para komportable kang matulog pati yang extra matress para sa papag ni Tisoy.  Tapos yang maliit na refrigerator, tutal may malaki naman kami at may freezer naman para sa restaurant.  Yang couch at yang maliit na TV, may anthena naman yan, ikabit mo lang sa bubong para malakas ang sagap. At yang dining set.  Arturo, mamasamain kaya ng anak natin kung ako ang magaayos sa bahay?

Arturo:  Hindi naman, ano bang iniisip mong gawin?

Rosario:   May collapsible cabinet din ako na lalagyan ng damit para sa kanya.

Arturo:  Sige, dalhin natin lahat.  Sasama ka ba sa bahay?

Rosario:  Oo, para ako mismo ang magaayos ng kwarto niya.  

Ngumiti si Arturo. Sige, isasakay na namin para makaalis na tayo.

Rosario:  Sige, magbibilin lang ako kay Maine na magluto ng pananghalian. Ano bang paborito ni Tisoy?

Arturo:  Hindi naman mapili yon sa pagkain pero maasim na sinigang na baboy napapasarap ang kain non.

Pagkatapos magbilin kay Maine, umalis na sila. Naiwan si Julia at Maine sa Roma's.

Maine:  Hinanap ba niya ako Jules?

Julia:  May pakulongkulong ka pa dyan sa kwarto tapos ngayon nagtatanong ka.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon