Chapter 27 - #levelupnafeelings

2.7K 154 6
                                    

Successful ang breakfast buffet nila ng araw ng sabadong yun.  Dumating ang dalawang Van pa ng turista na customer ni Baste at Ryan. Tuwang tuwa si Maine sa laki ng kita nila.

Nakaupo sa isang lamesa at nagkukwentuhan sila Tisoy, Vinz, Sam, Baste at Ryan habang nagaagahan si Sam, Ryan at Baste. Ikinukwento ni Tisoy ang pagseseminar ni Arturo at ang balak nilang showroom.

Baste:  Ayos yun Tisoy, pwedeng gawing souvenir shop din.

Ryan:  Tapos isasama na natin sa City Tour itong Romas's at Showroom ninyo.

Tisoy:  Oo nga sana magtuloytuloy na to. Malamang naman dahil may inspirasyon na ang Tatay ko.

Sam:  Ikaw ba wala pa? Hindi pa rin ba bumibigay ang puso mo?

Vinz:  Ewan ko ba dyan, good catch naman. Feeling niya siya ang hindi bagay eh.

Tisoy:  Bakit Sam puso mo ba bumigay na?

Sam:  Umamin na ako na nasaktan niya ako. Pinilit kong kalimutan pero siya pa rin at pumayag na siyang dalawin ko sya at sunduin.

Baste:  kaya naman pala masaya ang mukha ni Sam lumalovelife.

Sam:  Oh ano Tisoy, ikaw? Ano na? Hindi mo ba siya gusto?

Tisoy:  Gusto... Gustong gusto!

Vinz:  Yun umamin din!

Tisoy: sssshhhh baka marinig kayo.  Ang tanong magugustuhan ba niya ako?

Sam:  Huwag mo ngang minamaliit ang sarili mo. Noong tambay ka lang sa airport ang dami ng nagkakagusto sa yo ngayon pa ba?  Nagaaral ka, nagtatrabaho at nagnenegosyo na. Mabait ka, gwapo at type niya ang biceps at abs mo.

Nagtawanan at kantyawan ang mga ito.

Samantala si Maine at Julia naman nasa loob, nakaupo  si Maine sa Cashier at inaasikaso ang pagbabayad ng mga customer,  si Julia nagpeprepare ng gulay para sa pancit sa bilao na order ni Aling Belen yung tindera sa tapat. Matapos kunin ang bayad ng pinaka huling customer at bilangin kung kumpleto ang nasingil niya.

Maine:  Grabe Julia,  9:30 pa lang 12k na agad ang pumasok na pera sa atin.  Ang galing ni Tisoy no?  Naisip pa niyang tawagan yung si Baste at Ryan. 

Julia:  Oo nga eh, mabilis ang utak.

Maine:  Pag nagtuloy-tuloy na dalhin nila dito mga customer nila sisikat ang Roma's 

Julia:  Sinabi mo pa, malamang kakailanganin na natin ng extra cook.

Napatitig si Maine kay Tisoy, pinagmamasdan niya ito.

Julia:  Baka naman matunaw sa pagkakatingin mo oy.

Maine:  Natutuwa kasi ako sa kanya eh. Matalino eh no?  Kung papano niya naconvince si Tito Arturo tungkol sa seminar talking about he's credibility kapag nagkacertificate siya, hindi ko naisip agad yon, pati making his connections wider.  Tapos ngayon kinontact niya yung ibang tour guide. He's something and...

Julia:  and you like him.

Maine:  and I like him... hindi. Ano ba! Don't put words in my mouth.

Julia:  I'm not.  Obvious naman kase, at tama ka naman to like him. Maabilidad, matalino, sweet, gwapo at yummy!

Maine:  Tse! tumahimik ka na nga mamaya marinig tayo eh.

Lumapit ang dalawa sa pasahero ni Ryan.

Amerikana 1: Do you serve until dinner?

Maine: Yes, the kitchen is open until 9pm.

Amerikana 2: What do you usually serve for dinner?

Maine:  Our regular menu are consists of Filipino, American, Mexican and Italian. We serve Filipino Main Dishes such as adobo, pakbet, lechon kawali, patatim, crispy pata, barbecued ribs, chicken and grilled fish. Then italian pasta, pomodoro, carbonara and the regular spaghetti red sauce;  American sadwiches like cheese burgers with TLC, grilled ham and cheese, club house with fries , tuna mac salad and the regular ceasars;  Appetizers, like nachos with beef and cheese, tacos, cheese sticks with toasted bell pepper, regular spring role, calamari, dynamite (green pepper spring roles), tuna and pork sisig, buffalo wings and fish fillet with sour cream dip. 

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon