Chapter 47 - Sulyap

2.1K 147 7
                                    

Lumuwas ng Maynila si Arturo at Tisoy ng sabadong yon para makausap si Atty. Fernandez.  Sa Sentro Restaurant sa BGC ang napagusapang magkikita sila.  Dala ni Tisoy ang portfolio ng A&A Woodworks. Alas dose ang usapan nila.  Sumakay ng alas otso sa eroplano papuntang Maynila ang magama. Bago mag-alas diyes nasa Maynila na sila.  Nagtaxi sila papuntang BGC, nakarating sila doon pasado alas onse na. Madali naman nilang nakita ang Sentro Restaurant. Umorder sila ng pagkain at inumin. 

Eksaktong alas dose tumawag si Atty. Fernandez, sinabi na nasa labas siya ng Sentro, nakita ni Tisoy sa may pinto ang isang lalaki na mukha namang abogado.  Tumayo si Tisoy at nilapitan ito.

Tisoy:   Atty. Fernandez?  Ronaldo Fernandez?

Atty. Fernandez:  Ako nga, Alden right? Alden Richards?

Ipinakita ng lalaki ang lisensya kay Tisoy.  Ipinakita naman ni Tisoy ang ID niya.

Tisoy:  Nice meeting you.  Pasok tayo sa loob, nandon ang father ko.

Bumalik si Tisoy sa lamesa nila ni Arturo at pinaupo si Atty. Fernandez, inalok na kumain. Habang kumakain nagusap ang mga ito.

Atty.  Fernandez:  Mabuti naman nakarating kayo, kinukulit na kasi ako ng kliyente ko eh. Bagong business venture kasi niya ito. Mukha talagang nagustuhan niya ang mga furnitures ninyo ang sabi pa nga niya nakabili siya ng double purpose na lamesa at magazine rack na korteng letter M sa inyo. At yung mga ganong kakaibang klaseng designs ang gusto niya sa furniture shop niya. 

Tisoy:  Taga Maynila ho ba ang kliyente ninyo?

Atty.  Fernandez:  Oo, pero palipat lipat siya, alam mo na ang mga mayayaman. May business siya sa states, may mga property din siya sa ilang probinsya dito sa atin tulad sa Bohol at Boracay.  Nung minsang bisitahin niya ang resort niya sa Bohol nagtour siya at kasama sa tour na nakuha niya ang pagpunta sa Roma's Food Barn at A&A Woodworks.  Noon niya nakita ang mga furnitures ninyo.

Tisoy:  Sa Nanay ko ho ang Roma's Food Barn at ang A&A naman ang negosyo namin ng father ko.

Atty.  Fernandez:  Mabait ang kliyente ko at matalino. Hindi nga lang natapos ang kurso sa pagnenegosyo pero gustong magkaron ng mga investment dito sa Maynila.

Arturo:  You contacted the right person then Atty.  Dahil itong anak ko kakagraduate lang ng Entrepreneurship at Cum Laude.

Atty.  Fernandez:  Congratulations, Mr. Richards!

Tisoy:  Alden na lang Atty. masyadong pormal eh.  Ano ho ba ang business deal na gustong ialok sa amin ng kliyente ninyo?

Atty.  Fernandez:  May isang pwesto siyang nakuha dito sa BGC, at dahil wala pang furniture shop dito naisip niyang yun ang ilagay na produkto sa pwesto niya.  Susuplayan ninyo siya ng mga furnitures na ibebenta sa shop niya.  May isang supplier na siya pero mga regular items kasi ang ginagawa ng supplier na yon ang gusto niya mga bagong designs ng furnitures ang mafeature sa pwesto niya. 

Arturo:  Pero mahihirapan tayo sa shipment, wala kaming gawaan dito sa Maynila eh.

Atty.  Fernandez:  Alam niya yon at isa yon sa dahilan kung bakit kayo ang gusto niyang supplier, dahil siguradong ang furnitures ninyo original ang design at walang makakapareho dito sa Maynila mas may tyansang mabenta.  Kaya siya ang magco-cover ng shipping fee.  Ang gusto lang niya lahat ng mga bagong design ipapadala ninyo dito sa Manila. I-email lang ninyo sa kanya ang mga litrato ng furnitures at presyo.  Tapos ooderin niya ang mga gusto niya at kapag ipinadala ang invoice sa kanya, iindicate na lang din ang shipping costs.

Tisoy:  Ano ho kaya ang terms of payment?  Hindi pa din ho kasi ganon kalaki ang puhunan namin kung matagal bago bayaran baka magkaproblema ang production.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon