Chapter 32 - Her awareness

2.4K 143 3
                                    

Makalipas ang dalawang araw, umaga sa bahay nila Tisoy habang nagkakape sila ng Tatay niya.

Arturo: Nabanggit na ba sa yo ng Nanay mo ang lakad natin bukas? Tawagan mo si Sam, itanong mo kung gusto niyang sumama sa lakad natin, tanungin na din kamo si Diane.

Tisoy:   Nabanggit naman ho, saan ho ba ang punta natin?

Arturo: Sa BBC, nagpabook si Rosario ng mga kwarto don para ngayong sabado at linggo. Di ba birthday ni Maine bukas?  Mas masaya kung makakasama sila Sam at Diane.  Matutuwa non si Maine.

Tisoy:  Ho?  Bukas na ho ang birthday niya? Tanga-tanga mo talaga Tisoy hindi mo naitanong sa kanya!

Arturo: Hindi mo alam ang birthday ni Maine?

Tisoy: Alam ko ho na March ang bday niya hindi ko alam ang araw mabuti nasabi ninyo Tay. Sige ho Tay, pupuntahan ko na si Sam at Diane. Bibili na din ho ako ng regalo para kay Maine.

Sa Roma's naman habang nagluluto si Maine ng order ng customer. 

Rosario:   Sarado tayo ngayong weekend, naayos ko na yung booking natin sa BBC. Sinabi ko na din kay Julia kaya yayayain niya si Vinz.  

Maine:  Baka hindi makasama yung mga yon Ma, dalawang araw din na trabaho yung mawawala sa kanila eh.   Nagiipon pa naman si Tisoy para sa next enrollment.

Rosario:  Kakausapin ko, ako na ang bahala sa enrollment niya.  Birthday mo yon, dapat kasama natin ang malalapit na kaibigan mo.

Maine:  Huwag na Ma, ako na ho pero huwag ho nating pilitin. 

Nang gabing yon katulad ng nakagawian na nila tumawag si Tisoy nung nagpapaantok na ito.

Tisoy:  Hi Crush! Kamusta sa resto?

Maine:  Hey Crush! Ok naman. Daming customer. Ikaw, pagkagaling ng school nagtrabaho pa kayo.  Anong oras na kayo nakauwi?

Tisoy:  Kadarating ko lang halos nagfreshen up lang ako tsaka tumawag sa yo.  Grabe kasi yung mga kanong nagpasama sa Bar.  Parang walang  kalasingan eh.

Maine:  Minsan lang naman tsaka am sure may referral na naman kayo non.

Tisoy:  Nanghingi nga ng calling card kasi yung mga kamaganak daw magbabakasyon din sa Pinas.  Patulog ka na din ba?

Maine:  Yup, was waiting for you to call kasi may sasabihin ako eh.

Tisoy:  Ano yon?

Maine:  Nagpabook si Mama ng rooms sa  Bohol Beach Club for the weekend? Pwede ka bang sumama?

Tisoy:  May nakabook na kaming pasahero bukas at sa Sunday eh nakuha ni Sam isang magkakabarkada. Pero pwede naman kaming doon dumeretso sa gabi after 6pm.

Maine:  Ok na yon, at least makakapunta kayo sa gabi, sayang din naman kasi yung kikitain ninyo eh. 

Tisoy:   Ano bang okasyon?  

Maine:  Wala naman, gusto lang ni Mama magrelax at magenjoy ng konti.

Alam ni Tisoy na hindi nito sinabi na birthday niya dahil alam ni Maine na baka hindi niya ituloy ang lakad niya kapag nalaman niya na birthday nito.

Tisoy:  Ok nga naman yong magrelax tutal puro trabaho na lang kayo dyan sa Roma's eh.  Promise darating kami sa gabi tapos dyan na kami maggagaling bago pumunta sa tour sa linggo.

Maine:  Ok, thanks ha!

Ramdam ni Tisoy na pilit pinasasaya ni Maine ang boses.

Tisoy:  Bakit parang malungkot ang boses mo?

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon