Chapter 63 - Unconventional 2

3K 152 5
                                    

Pinaupo na ni Kath ang mga bisita sa mga nakapalibot na lamesa na may nga silya at pinaupo sila Mayor, Arturo, Rosario, Maine, Tisoy, Sam, Vinz, Julia, Adie at Yaya sa lamesa sa gitna.

Kath: Maraming salamat po sa inyong pagdalo, bago po magsimula ang cruise, ito po ang ilang awitin mula sa isang taong naging bahagi ng pagbuo ng boat na ito. Ang malapit na kaibigan ng pamilya ko at ang kinikilala bilang Tagbilaran's Acoustic Singer, Mr. Alden Richards.

Nagpalakpakan ang lahat, tumayo si Tisoy at nagpunta sa bandang unahan ng boat kung saan nandon ang high chair at mic stand. Inabot ang gitara...

Tisoy: Ang title po ng kantang ito ay A thousand Years

Nagsimula siyang tumugtog at kumanta.

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall
But watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away somehow One step closer

(Chorus)
I have died every day
waiting for you
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more

Nakita ni Maine na pagdating sa chorus naluluha si Diane at Julia. Siniko niya si Julia.

Julia: ang ganda kasi ng lyrics di ba?

Maine: Sabagay, very touching.

Pinakinggan ulit ni Maine si Tisoy. Nakita niyang nateary eyed si Tisoy. Naitanong niya sa sarili, "is it just me or para sa akin niya talaga kinakanta ang song at parang paiyak na siya."

Kumabog ang dibdib ni Maine, hindi niya alam kung bakit. Naisip niya it must be the song.

Tumayo si Mayor at nagpunta sa lamesa na nasa harap ng pari. Sa pangalawang chorus sigurado na si Maine na sa kanya lang nakatingin si Tisoy. Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang kanta.

Tisoy: Sa pagkakataon pong ito, let me take this opportunity to sing this song para sa pinaka importanteng tao sa buhay ko... Maine... this one is for you...

Another day
Without your smile
Another day just passes by
But now I know
How much it means
For you to stay
Right here with me

The time we spend apart will make our love grow stronger
But it hurts so bad I can't take it any longer

I wanna grow old with you
I wanna die lying in your arms
I wanna grow old with you
I wanna be looking in your eyes
I wanna be there for you
Sharing in everything you do
I wanna grow old with you

Nagulat si Maine, dahil tumutulo ang luha sa pisngi ni Tisoy habang kumakanta. Hindi na din niya napigilang maluha. Tumayo siya para punasan ng panyo ang luha ni Tisoy. Nanukso ang mga kaibigan at nagpalakpakan ng matapos ang kanta.

Tisoy:  Pasensya na ho medyo emotional lang. Mga mahal kong taga Bartolome, mga malalapit na kaibigan at sa pamilya namin ni Maine... may maganda ho kasi akong balita at gusto ko hong maging bahagi kayo nito.

Itinaas ni Tisoy ang kamay ni Maine para ipakita ang singsing nito.

Tisoy: Pumayag na ho siyang magpakasal sa akin.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat. Namula si Maine.

Tisoy: At sa katunayan ho, na-approved na ang Marriage License namin.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon