Chapter 55 - Hero

3.7K 160 11
                                    

Gabi na ng magkayayaan silang umalis ng Pamilacan.  Si Sam, Diane, Vinz at Julia sakay ng Van ni Sam, kila Vinz matutulog si Julia habang nandiyan ang mga bisita ni Maine. Si Mang Rene naman ang naghatid kila Arturo, Rosario, Craig, Jenna at Ronald.  At si Tisoy ang nagmaneho ng sasakyan ni Maine sakay si Maine, Yaya at Adie papuntang Bartolome.

Pagdating sa Bartolome, kahit inaantok na pilit pa ding sumakay si Adie sa swing. Walang nagawa si Maine kung hindi samahan ito habang ibinababa ang dalawang maleta ni Adie at isang maleta ni Yaya.

Tisoy:  Ya, alin dito ang maleta mo?

Yaya:  Naku Sir, iyan hong pula salamat ho. 

Dinala ni Tisoy ang maleta sa tapat ng kwarto sa ibaba.

Tisoy:  Ya, eto ang kwarto mo, yang kabila ang banyo. Pasensya ka na medyo maliit.

Yaya:  Sir ok lang katamtaman naman may kabinet , dresser at electric fan pa yung kwarto ko nga sa dati kong amo kama lang ang kasya wala pang bintana para akong nasa bodega eh.

Tisoy:  Sige na yah, maligo ka na at magpahinga. Kami na ang bahala kay Adie.

Yaya:  naku Sir baka magalit si Mam.

Tisoy:  Huwag kang magalala hindi magagalit yon ako ng magsasabi.

Biglang narinig nilang tinawag ni Maine si Yaya.

Yaya: Sabi ko sa inyo Sir, excuse ho pupuntahan ko lang.

Maine:  Yaya, paki baba mo na yung pagkaing dala natin, kumain ka muna parang hindi ka naman nakakain kanina nung kumakain tayo don sa resort eh. Tapos iwan mo na lang sa mesa at baka nagugutom pa din ang Sir mo.  Tsaka asikasuhin mo na ang mga gamit mo at magpahinga ka na.  Ako na ang bahala kay Adie.

Yaya: Sige po Mam salamat.

Maine:  Adie:  Say goodnight na kay Yaya.

Lumapit si Adie sa yaya, niyakap at humalik sa pisngi nito.

Adie: nayt Yaya

Kinuha ni Yaya Flor ang mga pagkaing nasa  sasakyan na nakalagay sa mga disposable na baunan at ipinasok sa kusina.  Naluluha luha ito ng makita ni Tisoy.

Tisoy:  bakit Yaya, pinagalitan ka ba?

Yaya:  Hindi ho Sir, ipinapasok lang ho ang pagkain at pinakakain ako at asikasuhin ko na lang daw ang sarili ko.  Na-touched lang ho ako.

Tisoy:  Yaya, simula ipinanganak si Maine sa isang Yaya siya lumaki kaya ang katulad mo importante sa kanya, nirerespeto at minamahal niya.

Iaakyat na sana ni Tisoy ang maleta ni Adie ng tumayo si Yaya at buksan ito.  Kinuha ni Yaya ang pinggan, baso, tasang may takip, kutsara't tinidor na may design ng cars.  Natawa na lang si Tisoy.  Pagdating sa kwarto binuksan ni Tisoy ang maleta nakita niyang pati mga maliit na hanger at sipitan ng damit meron.  Tinignan niya ang mga damit ni Adie, marami ay cars at transformers pero may ilan na spiderman, superman at batman. May transformer robot si bumblebee at optimus prime, may malaking lightning mcquinn  at iba't ibang kotseng maliliit ng hot wheels.  Inayos niya sa kabinet ang mga damit nito. Idinisplay naman ang mga laruan sa wall mounted na cabinet na ginawa niya.  Inihanger niya ang mga mukhang pangalis na mga damit nito. Nang pumasok si Maine at Adie sa kwarto.

Maine:  Oh, sana tinawag mo na lang ako.

Tisoy:  Ok lang wala naman akong ginagawa eh.

Adie:  Papa play cars...

Maine:  It's late na Adie, you have to wash up first and get ready for bed then you can play with Papa. Hmm what should Adie wear to sleep?

Adie: Teddy PJ... Teddy PJ

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon