Chapter 29 - I like you... like you!

2.9K 152 8
                                    

(ctto the pictures on this chapter)

Van ni Sam ang sinakyan nila katabi nito si Diane sa unahan. Sa unang upuan sa likod ng Van magkatabi si Maine at Tisoy at sa pangalawa si Vinz at Julia.   Napansin ni Maine na suot ni Tisoy ang relong bigay niya.  Simpleng tinignan ni Tisoy ang damit nila ni Maine... nasa isip "Mukha nga kaming matchy match... at least sa damit man lang bagay kami.

Tahimik silang lahat sa byahe.  Halatang pare-parehong kinakabahan.

Sam: Putek pre, hindi ako sanay ng tahimik tayo. Hindi bagay sa atin. Ano teenagers lang ang peg natin?!

Nagtawanan sila.

Diane: Saan ba talaga ninyo kami dadalhin?

Sam: It's a surprise.

Vinz: Pasensya na kayo kung magkakasabay tayo ha.

Julia: Ok lang yon, masaya nga kapag marami eh.

Tisoy: Hindi kaya ng budget eh, kaya sana magustuhan ninyo ang nakayanan namin.

Maine: This is going to be a ones in a lifetime experience. So kung ano man yon, thanks!

Paghintong hinto ng sasakyan, nagkatinginan at senyasan ang mga babae, biglang bumati ng "Happy Valentines" at inabot ang kanya kanyang regalo.

Sam: Uy, chocolate chip cookies favorite ko ito ah. Thank you!

Vinz: Wow! chocolate cupcakes! Salamat!

Tisoy: Ano to?

Maine: Later you'll see. Lika na.

Binuksan ni Tisoy ang pinto, bumaba at inalalayan sa pagbaba si Maine. Bumaba si Vinz at inalalayan naman si Julia at isinara ang pinto. Bumaba naman si Sam, umikot sa kabilang side at inalalayan si Diane.

Tisoy: This is Loay River Cruise dito tayo magdidinner.

Sam: Dyan tayo sasakay.

Napangiti si Maine, may tatlong lamesa na naka table set  at may dalawang silya sa bawat lamesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti si Maine, may tatlong lamesa na naka table set  at may dalawang silya sa bawat lamesa.  May nakatayong waiter.

Waiter:  Good evening po. Welcome to Rio Berde Special Valentine Dinner Cruise.  Ako po si Jeff I am your server tonight.  Sit back, relax ang enjoy the cruise.

Julia:  Ang cute naman nito.

Diane:  Dito ako pinanganak pero ngayon ko lang nalaman na may ganito kaliit na cruise dito.

Maine:  It is kindda romantic.

Naupo sila. Tumugtog ang music na puro love songs at nagsimulang umandar ang bangka. Pagupo nila ibinigay ng mga boys ang kani-kanilang regalo. Si Sam tatlong pirasong pulang roses na may kasamang malaysian mumps at cadburry chocolates;  si Vinz, tatlong pirasong pink na roses na may kasamang daisies, Toblerone at Tarsier na stuffed toy;   Ang regalo naman ni Tisoy isang bouquet ng isang dosenang light pink roses at white carnation. May maliit na card na may message na "Maine, carnations is your favorite and the light pink roses indicates my gentle admiration for you.  Happy Valentines Day. - Alden"

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon