Chapter 61 - Pagunawa

3.4K 161 7
                                    

Nang gabing yon nakatulog si Tisoy na hindi alam na hindi umuwi si Maine.  Pagkaalis ni Arturo, nagbihis si Maine ng shorts at t-shirt.  Pumasok sa kwarto ni Tisoy.  Nakita niyang nakatagilid ito, nakayakap sa isang unan sa bandang kanan ng kama nito. Inayos ang kumot nito, hinipo ang leeg, medyo mababa na ang lagnat.  Naupo siya sa empty space sa kaliwa ng kama, inilagay ang isang unan at sumandal sa headboard.  Hinahaplos niya ang likod ni Tisoy hanggang makatulog. 

Bandang alas kwatro nagising si Tisoy iikot sana sa kabilang side ng kama pero naramdaman niyang  may nakaharang sa likod niya.  Inikot ang katawan at nagulat siya ng makita si Maine na nakaupo sa kama at tulog.  Napangiti si Tisoy ang nasa isip... "hindi niya ako iniwan."  Iniyakap niya ang braso sa binti ni Maine.  Nanatili siya sa ganong posisyon ng mga sampung minuto. Tsaka niya naisip na pahigain ito ng maayos.  Inugoy niya ang binti nito na yakap niya.

Tisoy:  Mahal... mahal... mangangawit ang likod mo dyan.

Nagmulat ng mata si Maine.

Maine:  Oh, bakit? May masakit ba sa yo?  Kamusta pakiramdam mo?

Tisoy:  Wala, ok lang ako, hindi na ako nanghihina. Ginigising kita kasi mangangalay ka diyan.

Maine:  Hindi, ok lang ako. Teka tignan natin kung mataas pa ang lagnat mo.

Hinaplos ni Maine ang likod niya. Nakatingin lang si Tisoy.

Maine:  Sigurado ka hindi ka na nanghihina?  Gusto mong kumain? May pinadalang lugaw si Mama.

Tisoy:  Hindi na, tsaka parang medyo bumalik na pati lakas ng mga braso at binti ko.  Parang masarap yung lugaw.

Maine:  O sige teka iinitin ko lang. Huwag mong alisin yang thermometer ha.  Sandali lang ako.

Pagbalik ni Maine, bitbit nito ang tray na may dalawang tasa ng lugaw at basong may tubig. Ipinatong sa bedside table. Kinuha niya ang thermometer.

Maine:  38.5 pa rin eh, pero at least hindi na ganon kataas.  Pupunasan muna kita bago ka kumain ha.  Wait palitan ko lang itong tubig sa planggana.

Pagbalik niya bitbit niya ang planggana na may tinadtad na yelo.

Tisoy:  Alam mo, masakit sa balat yang malamig na tubig kapag nilalagnat but then I guess it helps lower the fever.

Maine:  Noon si Mommy pag sobrang taas pinaliliguan kami ng ganyan kalamig na tubig pero syempre mabilis lang dapat tinutuyo agad kasi baka naman mapulmunya.

Pinunasan ni Maine ang ulo niya, pati buhok.

Maine:  Sabi ni Mama, dapat daw yung ulo at buhok pinupunasan kasi masamang umaakyat ang lagnat sa ulo, yun ang normally cause ng kumbulsyon.  Kaya nga daw minsan kapag mataas ang lagnat naghahalucinate ang tao, kung ano-anong sinasabi.

Tisoy:  Naghahalucinate ba ako kagabi?

Maine:  I would like to think so kasi pinapauwi mo ako eh.

Natahimik si Tisoy, dahil alam niyang hindi siya naghahalucinate non.

Maine:  But come to think of it, kung hindi ka naman naghahalucinate, ok lang.  Alam ko naman na sanay kang nagiisa at inaalagaan ang sarili.  Alam ko din na ayaw mong nakikita ng iba how helpless can you be.  So, ok lang... no harm done.  

Niyakap ni Maine si Tisoy para iangat ang katawan nito, iniyakap ni Tisoy ang dalawang braso kay Maine at hinapit ito palapit sa katawan niya. Napangiti si Maine.

Maine:  Mukha ngang may lakas ka na.

Tisoy:  Sabi ko sa yo eh.  Mabilis din akong gagaling kasi magaling ang Nurse ko eh.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon