Chapter 53 - Da moves

3.5K 166 4
                                    

Simula ng magkita sila Maine at Tisoy, hindi pa nagawi man lang sa Roma's si Tisoy at tatlong araw na ang nakakaraan.   Nasa kwarto si Maine at nagiisip... "Bakit kaya hindi siya nagpupunta? Hindi ba niya ako namiss?

Dumating sa Roma's ang Engineer na kinontact niya at dinala ang blueprint ng plano para sa Adie's Bed & Breakfast Place at dumating din si Arturo at ang foreman nito.  Mahigit isang oras din silang nagmeeting. 

Dumating din si Julia at Diane para ifinalize ang job description nila, idiscuss ang tungkol sa salary at pagusapan ang tungkol sa building/business permit  at SEC registration ng Adie's B&B. Inabot sila ng tanghalian kaya doon na nananghalian yung dalawa.

Sa Roma's sila kumain.

Maine:  Ma, hindi ho ba talaga regular na nagpupunta dito si Tisoy?

Julia:  Uuuyyy namimiss mo no?

Maine:  Nagtataka lang naman ako tatlong araw ko ng hindi nakikita eh.  

Rosario:  Araw-araw na dumadaan  yon sa umaga bago pumunta ng airport siguro hindi mo natityempuhan  kasi tulog ka pa. 

Diane:  Hmmmm oh bakit, nagaalala ka kung bakit hindi ka dinadalaw?

Maine:  Hindi ah, bakit naman niya ako dadalawin?

Rosario:  Teka nagusap naman kayo di ba? ano bang napagusapan ninyo?

Maine:  Lahat naman ho napagusapan namin  baka lang ho hindi kami nagkaintindihan.

Arturo:  Hindi ka dinadalaw?  Bakit hindi mo dalawin?

Maine:  Ako pa Tay?  ako pa ang dadalaw? Wow!

Rosario:  Namimiss mo hindi ba? Gusto mong makita eh bakit naman hindi mo nga dalawin. 

Maine:  Ayoko nga, mamaya isipin pa non patay na patay ako sa kanya.

Julia:  Bakit? Hindi ba?  Kunyari ka pa eh

Diane:  Oo nga, alam mo pabebe ka din eh.

Arturo:  Sa taong nagmamahal hindi importante kung sino ang gumagawa ng paraan.

Maine:  Sige na, namimiss ko na pero ayokong basta pumunta don ng walang dahilan. Masyadong obvious eh.

Rosario:  Naibigay mo na ba sa kanya ang pasalubong mo?

Maine:  Hindi pa ho.

Rosario:  Oh ayan may dahilan ka na.

Arturo:  Oh eto bitbitin mo na din itong plano ng B&B at sabihin mo gusto mo lang idiscuss sa kanya.

Diane:  Alam ko na, sige sasamahan ka namin, sasabihin natin naggigirl bonding lang tayo at dinala ka namin don para makita mo ang itsura ng pagawaan at ng bahay.

Maine:  Ok sige, wait maliligo muna ako tsaka may hinihintay pa akong kausap.  

Maya-maya dumating ang isang truck lulan ang isang kotse.

Bernard:  Hi Ms. Maine!  pasensya na ho nalate ng konti kakadating lang ho kasi nung black na seat covers na gusto ninyo eh.  Complete accessories na yan Mam ha, pati celphone holder at cup holder, car cover at may tools na din. Mataas din ho ang insurance na ibinigay ko sa inyo.

Maine:  Just the way I like it Bernard?

Bernard:  Yes Mam!

Maine:  Tay, tay,  tignan nga ho ninyo kung maganda ang kotse natin?

Lumabas si Arturo at Rosario. 

Arturo:  Wow  Rav4!  Ang ganda pati ng kulay. Bagay sa yo ang kotse mo nak!

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon