Chapter 57 - Never Again

3.1K 156 14
                                    

Alas otso ng umaga ng gisingin si Tisoy ni Sam.  

Sam:  Bro, halika bumaba ka na muna kagabi hindi ka na naghapunan, puro kape lang ang laman ng sikmura mo magbreakfast muna tayo. Nagdala ng sandwiches si Tita Rio.  Tsaka malapit ng mag-rounds ang Doctor.

Tumayo si Tisoy at sabay na sila ni Sam na nagpunta sa waiting area ng ICU.  Kumain naman si Tisoy ng isang sandwich at uminom ng kape tapos nakiusap ulit sa Nurse na papasok siya ng ICU. Pinayagan naman siya, nagsuot ng lab gown at mask at lumapit kay Maine.  Tumayo sa gilid ng kama nito. Hinalikan ito sa pisngi.

Tisoy:  Good Morning Mahal.  Sabi nung Nurse wala namang abnormal rhythm ang heart mo pero hindi pa din ganon kalakas.  Dapat kasi iniisip mo kung gaano ka namin kamahal para lumakas na yang puso mo. Isa pa hindi pa ba nawawalan ng bisa ang anestisya? Hindi ka ba nangangawit sa pagkakapikit mo, baka magkaron ka na din ng bed sore sa pagkakahiga mo ng 12 hours. Gumising ka na ha ang haba na ng itinulog mo eh. Namimiss ka na din ni Adie tsaka miss na din kita eh.  May gusto akong sabihin sa yo pero sasabihin ko lang sa yo kapag nakalabas ka na dito sa ICU.  Kaya kung gusto mong malaman kung ano you, you better wake up and get well.  I love you Maine.

Pumasok ang Doctor sa ICU habang palabas naman si Tisoy.  Nakamasid si Tisoy sa salamin ng ICU habang tinitignan ng Doctor si Maine.  Nang matapos lumabas ang Doctor at kinausap sila.

Doctor: All her vitals are good... based sa print-out ng monitor her heart beat is stable  walang abnormality na sobrang bagal or sumobrang bilis. Pero it is not back to normal yet but I think she is getting there.  So we will not wait for another 12 hours to keep her in the ICU.  Ones she wakes up, I will have her transfer to a regular room.

Tisoy:  Salamat po Doc.

Doctor:  Alden, whatever you are telling her, I think she listens to you.  So good job.

Ngumiti si Tisoy.

Arturo:  Oh ayan mas maayos na si Maine, siguro naman pwede ka ng umuwi, kumain ng maayos at maligo.  Baka nakakalimutan mo nagpagulong gulong ka kagabi sa kalsada.  Isa pa magpakita ka sa anak mo dahil hinahanap ka na at si Maine.

Tisoy:  Ayoko ho sana pero sige ho para kay Adie.  Babalik ho ako agad.  

Ibinigay ni Arturo ang susi kay Sam. 

Arturo:  Samuel samahan mo na nga at ipagdrive yang kaibigan mo at mukhang sabaw pa ang utak.

Umalis na sila... nagpunta muna sila sa Bartolome para makaligo at makapagbihis si Tisoy. Pagkatapos dumeretso sila sa Roma's.  Tumatakbong palapit sa kanya si Adie.  Binuhat niya, niyakap at hinalikan ang anak.

Adie:  Papa, wer's Mama?

Tisoy:  Mama is sick baby so you will have to behave and stay with Yaya and Lola so Papa can take care of Mama so she can get well.

Adie:  ok... Adie no run, no cry. behave lang layk dis Papa oh (umupo at humalukipkip ito)

Tisoy:  Very good baby.  

Adie:  Mama come back morow Papa?

Tisoy:  She will try, so you Pray to Papa Jesus to make Mama get well ok?

Adie:  Opo Papa.

Rosario:  Oh, kumain ka nagluto ako ng sinigang  habang inaayos ko itong dadalhin mo na pagkain sa hospital, sige na.

Sam:  Kailangan mong kumain kahit wala kang gana, magkakaulcer ka niyan eh.

Walang nagawa si Tisoy kung hindi mabilis na kumain. Nang makitang tapos ng ayusin ni Rosario ang bibitbitin nila. Nilapitan si Adie

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon