Chapter 38 - Uncertain

2.6K 157 4
                                    

Nakauwi na sila Sam, Vinz at Diane.  Nanatili naman si Arturo at Tisoy sa bahay nila Maine. Nakatayo si Tisoy sa gilid ng bintana hawak ang artwork niya binabasa ang kaisa-isang poem na naisulat niya sa buong buhay niya.  Ang poem na naglalahad ng lahat ng nararamdaman niya para kay Maine.  Dinukot niya mula sa bulsa ang friendship bracelet nila ni Maimai.  Tumulo ang luha niya.  Namayapa na pala ang unang babaeng minahal niya.  Nakita siya ni Arturo.

Arturo:  Ano ba ang iniiyakan mo, ang pagpanaw ng babaeng unang minahal mo o ang katotohanan tungkol sa babaeng mahal mo ngayon?

Tisoy:  Masakit magbiro ang tadhana Itay, napakadami namang babae sa mundo, bakit si Maine pa?  Akala ba ng tadhana nakakatuwa na ang puso ng babaeng minahal ko noon ay ang puso din ng babaeng mahal ko ngayon? 

Arturo:  Bakit ano bang katangian ni Maimai ang minahal mo noon?  Kung pagbabasihan mo ang sinabi ng Nanay mo na totoong ugali ni Maimai, maaaring ang ipinakita niya sa yo ay ang ugaling itinuro sa kanya ni Maine, suma total si Maine na nasa katauhan ni Maimai ang minahal mo.  At dahil marunong ang tadhana dinala niya sa yo ang totoong babaeng nagmamayari ng mga katangian na yon.  Walang ibang importante anak, kung hindi sino ba ang nilalaman ng puso mo si Maimai o si Maine?

Tinapik ni Arturo sa balikat si Tisoy at pumasok na ito sa kwarto ni Rosario. 

Binuksan ni Tisoy ang skype isinave ang history ng paguusap nila ni Maicey at iprinint.  Idinelete niya at idineactivate ang skype account niya.  Ginalaw niya ang mouse sa laptop ni Maine, nakita niyang bukas pa ito. Idinelete at idineactivate niya ang skype account ni Maicey.  Pinatay ang laptop at ipinasok sa kwarto ni Maine.  Nandon si  Rosario.

Rosario:  Dyan ka na matulog sa kutson. May pagkain dito kapag nagising si Maine baka gutom, initin mo na lang sa microwave.

Tisoy:  May gamot ho ba siyang kailangang inumin? 

Rosario:   Etong nasa maliit na lalagyan. Nak, hindi ko alam kung ano ang minahal mo kay Maimai pero kung gusto mong malaman ang totoo itanong mo kay Maine kung ano ang alam niya tungkol sa ex-boyfriend ng kakambal niya. May palagay ako na marami kang malalaman na hindi mo inaasahan.

Tisoy:  Salamat Nay, sige na ho magpahinga na kayo. Ako na hong bahala kay Maine, babantayan ko ho siya.

Naupo si Tisoy sa nakalatag na kutson sa tabi ng kama ni Maine. Hawak niya ang album kung saan nandon ang litrato ni Maimai at ang mga naging boyfriend nito at nandon din ang mga litrato ng mga naging crush ni Maine. Naisip niya... "tama si Sam ang layo ng itsura ko sa mga naging boyfriend ni Maicey."  Napangiti naman siya ng makita ang mga naging crush ni Maine. Yung isa maputi din at may Dimples pero nakasalamin,  yung isa naman maputi walang dimples pero maganda ang katawan.  Napapailing na lang siya.  Ibinaba niya ang album at binasa ang printout ng mga paguusap nila ni Maimai.  Habang binabasa niya ito napansin niya na may ilan sa mga paguusap nila na parang ang mga sagot sa kanya mga sagot na narinig na niya kay Maine. Inipit niya sa album ang mga papel at lumapit sa kama ni Maine.  Pinagmasdan niya ito at mahina siyang nagsasalita.

Tisoy:  Magkamukha nga kayo pero magkaiba kayo ng kilay, ng labi, ng hugis ng mukha at ng kulay ng buhok. Mas cute din ang pisngi mo kaysa kay Maimai at ng mata dahil malambing ka kung tumingin.  

Hinaplos niya ang pisngi ni Maine. Hinawakan niya ang kamay nito.

Tisoy:  Pati kamay ninyo magkaiba, mahahaba ang daliri mo at malambot ang palad mo.

Nakatulog si Tisoy na hawak ang kamay ni Maine na nakayuko sa braso sa gilid ni Maine. Nagising si Maine bandang alas tres ng madaling araw.  Naramdaman niyang may nakahawak sa kamay niya.  Nagmulat siya ng mata.  Nakita niya ang natutulog na si Tisoy.  Napangiti si Maine.  Naisip niya, "hindi siya umalis at binantayan niya ako."

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon