Chapter 2 - Maine

3.6K 154 5
                                    

Seventy Kilometers from Loboc ang Danao kung titignan mo sa mapa.  Nasa gitna ng dalawang lugar na yan ang Chocolate Hills.  At ang Danao ang pinanggalingan ng mga organic na gulay sa buong Bohol.  Sa Danao nakatira si Maine, kasama si  Rosario.  Hindi taal na taga-Danao ang magina pero tatlong taon na silang naninirahan doon simula ng bumalik ng Pilipinas galing sa america.  May farm sila doon ng mga organic vegetables at yun ang ikinabubuhay nila.

Tuwing hapon makikita si Rosario na nakaupo sa  balkonahe ng bahay at nakatunghay sa chocolate hills  katulad ng hapon na yon, kadarating lang ni Maine galing sa adventure trip niya. 

Maine:  Ma, am home and alive... at pakiramdam ko nasasanay na ang puso ko.

Rosario:  Ikaw na bata ka, bakit ba hindi mo tigilan yang mga extreme sports na yan   Baka hindi kayanin ng puso mo.

Maine:  Ma, kaya ko nga ginagawa ito eh para nae-exercise siya.

Rosario:  Papano kung isang araw hindi ka na makabalik dito sa akin

Maine: Eh di ibig sabihin hindi matibay ang pagkakagawa nito.

Sabay itinuro ang puso. Si Maine, isang heart transplant survivor. Biktima ng isang car crash accident ang buong pamilya niya sa America.  Siya lang ang hindi malubha pero nasaksak ng bakal ang puso niya at para mabuhay ibinigay ng nagaagaw buhay na kakambal ang puso nito kay Maine.  Si Rosario na ang kinilala nitong ina simula ng maulila.  Si Rosario ang bestfriend ng Ina ni Maine. Nagpunta sa america si Rosario para hanapin ang dating nobyo pero nabigo ito. Kaya ng mangyari ang trahedya ng pamilya ng matalik na kaibigan bumalik sa Pilipinas para kalimutan ang masasakit na alaalang yon at si Maine dahil siya na ang nagpalaki bilang Yaya nito mas ginustong sumama sa kanya kaysa maiwan sa mga kamaganak sa America.

Rosario:  Halika nga dito.

Ikinalong ang dalaga at niyakap.

Rosario:  Papano na lang ako kapag bumigay ang puso mo anak?  Isa pa gugustuhin mo bang masayang ang buhay na ipinagkaloob sa yo ni Maicey?  Naalala mo ba ang sinabi niya sa yo bago siya malagutan  ng hininga?

Maine: Sis, gamitin mo ang puso ko at ipagpatuloy mo ang buhay mo. Gamitin mo ang puso ko ng tama, magmahal ka ng wagas  hindi katulad ko. Ipangako mo yan at lilisan akong masaya.

Rosario:  At nangako ka sa kanya, hindi ba?

Maine:  Hindi ko naman nakakalimutan yon eh.   Kaya nga ineexercise ko ang puso ko kasi para ready ako. 

Rosario:  Ready saan?

Maine:  Para ready ang puso kong masaktan kapag nagmahal ako.  Pareho kayo ni Maicey eh.  Ang sabi ninyo sa akin masarap magmahal pero mahirap dahil maari kang masaktan.  Katulad mo at katulad niya.

Rosario:  Pero iba ka sa amin  ni Maicey, kami ni Maicey hindi natutong magmahal ng tapat at ng wagas.  Ikaw bata ka pa tapat ka na kung magmahal sa alaga, sa kaibigan, sa pamilya at sa Diyos.  You're 21 now, dapat may mga manliligaw ka na, yung iba nga may boyfriend na sa idad na yan eh.  Ikaw wala.  Papano wala kang inatupag kung hindi yang extreme sports, natatakot ata ang mga lalaki sa yo eh papano ang tingin nila sa yo mas matapang ka pa sa kanila.

Maine:  O sige na Ma, promise babawasan ko na ang extreme sports. Twice a month na lang, tsaka hindi na ako tatalon, magka-climbing na lang.  Isa pa hindi kita iiwan hahanapin pa natin ang kaligayahan mo na nasa kabila ng  mga burol na yan.  

Rosario:  Ayan ka na naman eh, matanda na ako para dyan. 

Maine:  Oh eh hindi naman yung lalaki ang sinasabi kong kaligayahan mo, ang sinasabi ko yung anak mo.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon