Chapter 12 - #paraparaan

2.3K 141 2
                                    

Makalipas ang ilang araw, nagising si Tisoy sa ingay ng martillo at lagare na nanggagaling sa harapan ng bahay nila.  Bumangon siya, tinignan ang oras sa relo sa dingding.  Alas syete ng umaga. Naghilamos siya at nagpunta sa kusina para magtimpla ng kape.   Lumabas sa harap ng bahay.  

Tisoy:  Tay, ang aga naman ho niyan. Nagagahan na ho ba kayo?

Arturo:  Hinihintay kitang magising.  Pumasok ka na don at kumain  na muna tayo.

Nagulat si Tisoy may hotdog, itlog at sinangag sa lamesa.  Napangiti, sa buong buhay niya simula ng matuto siyang magluto, ngayon lang ulit siya ipinagluto ng ama-amahan. Naupo siya. Naghugas ng kamay si Arturo at naupo sa tapat niya.

Arturo:  O kumain ka na, pagkatapos maligo ka at magbihis.  Galing dito si Samuel, dadaanan ka daw nila at mamimili kayo ng gamit sa eskwela at damit

Tisoy:  Tay,  ibinigay ho sa akin ni Vinz yung mga notebook ni Vivian marami pa hong laman yon aalisin ko lang ang tahi at pagsasamasamahin yung mga walang sulat katulad noon. Pwede na yon  at nakabili na ho ako sa ukay-ukay ng dalawang maong at ilang pirasong t-shirt.

Arturo:  Sabi ni Sam, may sale daw sa mall, may mabibili kang maong na limang daan lang may brand na, bumili ka ng dalawa. Tapos mga sportshirt na tig-tatatlong daan. Bumili ka ng limang sports shirt. Tsaka meron daw murang cellphone, yung Oplus Android ba yon?  Mga 1,700 lang bumili ka para may nagagamit ka sa pagiinternet, kailangan mo yon pang research ng mga assignment mo tsaka para hindi ka na nakikigamit kay Sam kapag may mga customer kayo.

Tisoy:  Tay, pwede naman akong dumaan sa internet shop ni Mang Kanor pagkatapos ng klase para magresearch kinse pesos lang ang isang oras eh.

Inilapag sa lamesa ang limang libong piso galing sa downpayment na ibinayad ni Rosario.

Tisoy:  Baka mamaya kulangin pangbili ng materyales natin hindi natin matapos yon.

Arturo:  Tisoy, sobra-sobra ang ibinayad sa atin, yang ibinibigay ko ang bayad sa mga design  at drawing mo. Pinaghirapan mo yon.  Kung tutuusin maliit pa yan pero itatago ko na muna yung iba para pangbaon mo araw-araw at tsaka panghulog natin doon sa Coop para hindi naman tayo masira doon.  Hindi ka na teenager Tisoy. University ang papasukan mo, ibang notebook na ang kailangan mo.  Ang mga pumapasok doon maayos ang damit at magaganda ang cellphone.   Gusto ko kahit papano maayos kang pumapasok sa iskwela.

Tisoy:  Tatay naman eh, pinapaiyak  ninyo ako eh. Salamat ho.

Arturo:  Isa pa bente singko anyos ka na.  Papano ka magugustuhan nung Maine kung mukha kang gusgusin at papano mo siya itetext o tatawagan kung wala kang cellphone.

Tisoy:  Tay, sino naman hong nagsabi sa inyo na gusto kong magustuhan niya ako. Suntok sa buwan yan Tay.  Mayaman yon ang layo ko don. Baka ni hindi ko mailibre ng hamburger yon eh.

Arturo:  Anak, ako ang nagpalaki sa yo, kilala kita. Nung ikinukwento mo si Maine sa akin, iba ang ngiti mo at ang ningning ng mata mo kaya alam kong gusto mo siya.  Isa pa, hindi basehan ang yaman sa pagmamahal.  Eh di araw-araw dalhan mo ng hopiang munggo mura lang yon, yun naman ang paborito niya di ba. Gusto mo yung bagong luto pa.

Tisoy:  Ano na naman ho ba ang ikinuwento ni Samuel at Vicente sa inyo?

Arturo:  Wala naman, nabanggit ko lang kasi na gusto mong humingi ng dispensa don sa tao. Tapos ayon pahapyaw  lang naman na naikwento sa akin.

Tisoy:  Tay, pagaaral ho at negosyo ang gusto kong atupagin.  Wala pa ho sa plano ko ang magkaron ng girlfriend ulit.

Arturo:  Hindi ko naman sinasabing ligawan mo eh.  Alam mo bang mas masarap magaral kapag may inspirasyon ka.  Parang noong nagaaral kami ng Nanay mo, hindi niya alam kaya laging mataas ang grado ko kasi nagpapaimpress ako sa kanya gusto kong hangaan niya ako.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon