Chapter 49 - Paguwi

2.4K 156 9
                                    

Dalawang araw bago ang kasal ni Diane, umuwi si Maine sa Tagbilaran.   Sinundo siya ni Mang Rene ang kanyang katiwala sa resthouse at ang nagaasikaso ng Van na binili niya para magkaron ng hanapbuhay si Mang Rene habang nagbabantay sa Resthouse.

Bitbit ang dalawang malalaking maleta, nakasuot ng shades, isang mahabang damit at naka balot ng shawl ang ulo  ng lumabas si Maine sa airport ng Tagbilaran.  Nagdadasal na sana walang makakilala sa kanya sa intsura niyang yon. Si Mang Rene naman kasama sa umpukan ng mga kapareho nitong tour guide, nandon si Sam, Vinz at Paeng.  Nagtext si Maine kay Mang Rene ng mabasa ni Mang Rene ang message ni Maine, napatingin ito sa harap ng airport at nakita ito na nakatayong magisa.

Mang Rene:  Naku ang amo ko ayan na pala.

Sam:  Ka Rene yan ang amo ninyo?  Bakit naman balot na balot yan?

Vinz:  Oo nga ho, hindi tuloy namin makita kung anong itsura.

Mang Rene:  Sige, aalis na ako.

Paeng:  Ingatan ho ninyo ang amo ninyo, muslim ho ata yan eh.

Mang Rene:  Puro kayo kalokohan dyan na nga kayo.

Sumakay si Mang Rene at pinaandar ang Van papunta mismo sa harap ng kinatatayuan ni Maine. Bumaba ito at kinuha ang mga bagahe ni Maine.  Binuksan at pinasakay si Maine tsaka mabilis na isinara ang pinto.  Sumakay sa driver's seat at nilisan ang airport. 

Inalis na ni Maine ang shades at ang balot sa ulo.

Maine:  kamusta Mang Rene, nakilala ho kaya nila ako?

Mang Rene:  Naku Mam hindi ang akala pa nga ho muslim kayo.

Nagtawanan sila. Wala pa rin namang pinagbago sa Tagbilaran.

Mang Rene: Mam, sa resthouse ho ba tayo dederecho o sa Bartolome.  Sabi ho ni Sam, naroon daw ho si Sir sa pagawaan. Pwede ko ho kayong idaan don hindi naman ho kayo makikita dahil tinted naman ho ang salamin.

Maine:  Sige ho dumaan tayo sa Bartolome.  Kamusta ho siya?

Mang Rene:  Maayos naman ho, madalas na tahimik lang pero kapag nagbibiruan naman ho ang tropa sa airport nakikipagbiruan naman po.  Kaya lang ho napapansin namin habang papalapit ng papalapit ang kasal ni Samuel lalo siyang nalulungkot.  Sabi nga ho nung isang beses hindi niya alam kung papano kayo kakausapin kapag dumating kayo sa araw ng kasal.

Maine:  Naikukuwento ho ba niya ako sa inyo?

Mang Rene:  Wala hong ibang bukang bibig si Sir kung hindi kayo.  At kahit sino hong mga babae ang lumapit sinasabing may asawa na siya at ipinapakita ang singsing niya.  Mahal na mahal ho kayo ni Sir Mam hanggang ngayon.  Wala hong kadudaduda yan.

Maine:  Mang Rene baka binobola na ninyo ako niyan?

Mang Rene:  Hindi Mam, nung birthday ko nga ho nagkainuman kami sa Roma's.  Nalasing siya hindi ho napigilang umiyak sa pangungulila sa inyo. Paulit-ulit hong nagso-sorry sa litrato ninyo at paulit-ulit ding sinisisi ang sarili sa hindi ninyo pagbalik dito.  Siguro ho kung hindi dahil sa pagaaral, negosyo at pagalalay nila Sir Arturo at Mam Rosario, malamang nabaliw na si Sir eh.

Hindi nakaimik si Maine.  Mayamaya napansin niyang papasok na sila sa Bartolome, lumayo siya ng konti sa bintana. Dahandahan namang binaybay ni Mang Rene ang harap ng pagawaan at ng bahay nila Tisoy.

Mang Rene: Malaki na ho ang inasenso ni Sir Tisoy pero magisa na ho siyang naninirahan diyan.

Namangha si Maine. May concrete na bakod na ang buong lupa. Dalawa ang gate, ang isa may nakasulat na A&M woodworks at sa loob ng garahe nito may isang elf truck.  Katabi nito ang isang two storey house na kulay beige at brown sa labas.  May sarili itong gate, may garden sa harap at may wooden swing na may bubong.  Sa garahe nito may isang kotse.  Marangya ang itsura ng bahay, kung titignan ito na ang pinaka magandang bahay na nandon.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon