Chapter 17 - Interrogation

2.3K 142 2
                                    

Dumating ang huling araw ng first semester,  nakuha nila ang mga grades nila.  Masaya silang lahat dahil maraming matataas na grades ang nakuha nila.  Uno ang grades ni Maine sa  English 101 at Arts and Literature, pinakamababa niya ang Stat 2.5, si Tisoy naman uno sa Humanities at Filipino at pinakamababa niya ang English 2.75, Si Vinz sa uno sa Filipino at PE pinakamababa 2.75 sa History  at si Julia sa uno History at PE at 2.75 sa Math.

Masayang naglabasan ang mga estudyante.  Nauna sila Tisoy at Vinz, at hinintay sila Maine at Julia.  Nakangiti din ang mga ito ng makita nila.  Kaya alam nilang magaganda din ang mga grades nito.  Nagtatatalon si Vinz at Julia.  Binuhat naman ni Tisoy si Maine.  Nagulat ito .

Maine:  Ay! Tisoy ano ba!

Tisoy:  sorry, naexcite lang! Maine, may uno ako dalawa at wala akong tres!!! Imaginin mo yon... ako?! 

Maine:  Bakit, eh matalino ka naman.

Julia:  Oo nga wala ka lang bilib sa sarili mo eh.

Vinz:  Oy ako din walang tres ah. 

Julia:  Ako din!  Matutuwa ang Tatay nito! 

Tisoy:  Matutuwa, ang Tatay ko kapag nakita ito baka biglang magpakain.

Julia:  Aba eh sa inyo tayo dumeretso!

Nagtawanan sila. Niyakap ni Vinz si Julia.

Vinz:   Sabi ko sa inyo masarap magaral kapag may inspirasyon eh 

Inakbayan ni Tisoy si Maine at Julia.  

Tisoy:  Salamat sa tiwala guys ah. Tama si Vinz, masarap magaral kasi may mga kasama kaming inspiradong magaral pati kami nahahawa sa inyo!

Naglakad na silang apat papunta sa Roma's.  Dinatnan nila si Rosario na nagkukwenta.

Maine:  Hi Ma, eto na grades namin.

Tisoy:  Magandang hapon ho.

Rosario:  Oy masaya kayo ah. Magaganda ba ang grades.

Julia:  Opo Tita.  May uno kaming lahat.

Tisoy: pati ako Tita, tignan mo!

Masayang pinanonood ni Maine si Tisoy, sobrang saya talaga nito.  Feeling proud naman siya hindi lang sa grades niya kung hindi pati sa grades ng mga kaibigan.  Tama sila masayang magaral kapag may mga kaibigang kasama.

Rosario:  Oh my God! uno sa English at Arts and Literature, I'm  so proud of you anak! 

Niyakap niya si Maine.  Niyakap din niya si Julia, Vinz at Tisoy.

Rosario:  Proud din ako sa inyong tatlo.  Pinaghirapan ninyo yan, you all deserve it.

Maine:  Ma, pwede po bang magikot lang kami, pupunta kami kila Vinz at Tisoy gusto din namin makita ang reaksyon ng mga magulang nila eh.

Rosario:  Oh sige, pero babalik kayo dito at macecelebrate tayo at ng makapaguwi din kayo ng pagkain sa mga bahay ninyo.  Lakad na at magluluto din ako.

Una nilang pinuntahan ang bahay ni Vinz.  Pagbukas ng pinto, niyakap ni Vinz ang Nanay niya. Tuwang-tuwa ang Nanay niya. Niyakap siya nito ng mahigpit.  Naluluha ito. Binati din nito sila Maine, Tisoy at Vinz. Nagpasalamat sa pagiging kaibigan kay Vinz, at sa pagiging magandang halimbawa sa anak niya.

Dumerecho sila sa bahay ni Tisoy, bumubulong si Tisoy, "Sumimangot kayo ha. Malungkot kunyari. "  

Tisoy: Tay... tay... san kayo?

Arturo:  Nandito sa likod, sandali lang.

Pinaupo niya si Maine, Julia at Vinz.  Pagpasok ni Arturo.  

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon