Chapter 39 - Katuparan

2.5K 150 3
                                    

(ctto of the pictures on this chapter)

Dalawang araw matapos malaman ni Tisoy ang totoo  tungkol kay Maimai at sa puso ni Maine, dumating siya sa Roma's gamit ang motor ng kapatid ni Vinz.  Nakamaong at puting t-shirt lang ito.

Rosario:  Oh saan ang lakad at nanghiram ka ng motor?

Tisoy:  sa Loboc Nay, may ililibing lang na mga alaala.  Pwede ko ho bang isama si Maine.

Rosario:  Oo naman, marahil makakatulong din yan sa kanya.

Lumabas mula sa kanyang kuwarto si Maine.

Maine:  Hi Mahal, may lakad ka?

Tisoy:  Mahal samahan mo naman ako sa Loboc.

Maine:  Sige, sandali lang at magbibihis lang ako.

Makalipas ang labinglimang minutong byahe, huminto si Tisoy sa isang bakanteng lote na may maliit na kubo na may upuan sa gilid ng Loboc River.  Bumaba sila, binuksan ni Tisoy ang compartment ng motor kinuha ang isang beach shovel at rake at iniabot ang isang envelope kay Maine.  Kahit nagtataka kinuha ito ni Maine. Hinawakan ni Tisoy ang kamay ni Maine at naupo sila sa Kubo.

Tisoy:  Dito ko palaging dinadala si Maicey kaya sa lugar na ito ko din gustong ilibing ang mga alaala niya.  Nandiyan sa envelope ang print out ng conversation namin sa skype pwede mo bang basahin at sabihin sa akin kung si Maicey o ikaw ang nagsabi ng  mga nakasulat dyan?

Maine:  Oo naman. Umupo sila sa damuhan.

Nagsimulang magbasa si Maine, si Tisoy naman nagsimulang magtanggal ng damo sa lupa at naghukay. Bawat pahinang natatapos ni Maine basahin ay pinupunit ni Tisoy sa maliliit na piraso at inilalagay sa hukay na ginawa  niya, hanggang sa maubos ang mga papel na hawak ni Maine. Dinukot ni Tisoy ang wallet at kinuha ang dalawang friendship bracelet at ang litrato ni Maicey na matagal niyang itinago doon.  Pinagmasdan niya ang litrato.

Tisoy:  Alam mo, magkahawig kayo pero ang mata at kilay ni Maimai mataray.  Mas makapal ang labi niya sa yo. Tapos humpak ang mga pisngi at ang buhok niya paiba-iba ng kulay.  Minahal ko si Maicey at nagpapasalamat ako sa panahon at sayang ibinigay niya sa akin at sa pagkakataong makausap at makilala ko ang kakambal niya.

Ngumiti si Maine.  Inilagay ni Tisoy ang friendship bracelet at picture ni Maicey sa hukay at tinabunan. 

Tisoy:  Salamat Maimai, sa lahat lahat.  Sana masaya ka para sa amin ni Maine.  

Sa ibabaw itinanim ni Tisoy ang isang maliit na halaman ng santan.  Diniligan ng tubig.  

Tisoy:  Pagdating ng panahon, babalikan natin ito para tignan kung nabuhay ba ang halamang ito.

Naupo si Tisoy sa kawayang upuan, pinaupo niya si Maine sa tabi niya at inakbayan. 

Tisoy:  Sabi ni Maimai, nakakasakal daw akong magmahal, totoo ba yon?

Maine:  Nakakasakal para sa kanya... dahil ang gusto niya ay maging malaya at mamuhay ng magisa sa lahat ng pagkakataon.   Pero hindi para sa katulad kong matagal ng magisa at naghahanap ng kanlungan. Dahil sa pagmamahal mo  nakahanap ng tahanan at karamay ang puso ko.

Masaya  ang naging relasyon ni Maine at Tisoy ng buong bakasyon na yon. Sinulit nila ang mga araw na magkasama.

Masaya din ang  pamilya ni Arturo at Rosario dahil unti-unting natutupad ang mga plano at pangarap nila sa buhay.  Limang araw lang na pagkakabit ng dingding, ceiling fan, shelves at glass display cabinet at dalawang araw na pagpipintura, natapos ang showroom huling linggo ng Marso at handang  handa na ito para sa darating na bakasyon.  

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon