Chapter 42 - Learning together

2.6K 137 4
                                    

Nakabalik na sila sa resthouse, nakatayo sila sa tapat ng ref. Kumuha si Tisoy ng bottled water iniabot ang isa kay Maine at kumuha ng para sa kanya at uminom. Pinagmamasdan ni Maine si Tisoy. Napatingin si Tisoy kay Maine, nakita niyang pinagpapawisan ito. Hinubad ang t-shirt at ipinunas sa noo at leeg ni Maine. Napatingin naman si Maine sa dibdib ni Tisoy.

Maine: Talagang nag-topless ka ha, are you trying to seduce me?

Tisoy: Tignan mo ikaw, concerned lang eh, pinagpapawisan ka na kasi.

Ibinaba ni Maine ang strap ng jumper niya, tumalikod kay Tisoy.

Maine: Sinimulan mo na din lang punasan mo na buong katawan ko.

Nangingiti si Tisoy, ang nasa isip, "may kapilyahan din ang girlfriend kong ito eh". Pinunasan niya ang likod hanggang sa lower back. Humarap si Maine, tumungga ng tubig. Inilagay ni Tisoy ang kamay sa ilalim ng blouse nito at pinunasan ang pawis sa tyan at dibdib. Napalunok si Maine, napatitig siya sa mukha ni Tisoy, namumulamula ito sa init ng araw at mukhang lalong pinagpapawisan ang noo. Inalis ni Tisoy ang kamay sa ilalim ng blouse ni Maine. Kinuha ni Maine ang hawak nitong t-shirt at pinunasan ang pawis ni Tisoy sa noon, mukha, leeg, dibdib at likod.

Tisoy: Ligo tayo? Mainit eh...

Maine: Magbabad tayo sa tub...

Tisoy: Sige...

Maine: Lagyan mo na ng tubig yung tub may kukunin lang ako.

Nauna ng pumasok ng kwarto si Tisoy. Ang totoo nagpapasalamat siyang pinauna siya nito dahil kumakabog ang dibdib niya gusto niyang kalmahin ang sarili. Kinausap ang sarili sa salamin ng banyo, "Kalma Tisoy, hinay-hinay lang. You will have to make this count." Kinuha niya ang twalya nya sa bag pati na ang twalya ni Maine at isinabit sa banyo. Binuksan niya ang gripo ng bath tub at pinabayaang mapuno. Naghubad siya ng walking shorts at inilagay ito sa kabinet. Kumuha ng panibagong boxers at t-shirt at isinabit sa railings sa banyo. Kinuha din niya sa bag ang lalagyan ng bathroom essentials niya at inilagay sa gilid ng sink. Ibinaba ang cover ng bowl at naupo sa kama.

Samantala si Maine, naglagay ng yelo sa dalawang baso, kumuha ng 1.5 na coke, lays chips at M&M's na chocolate. Kinalma din niya ang sarili dahil sobrang kinakabahan siya. Huminga ng malalim at tsaka nagpunta sa kwarto, sinalubong siya ni Tisoy sa pinto at kinuha ang coke na bitbit niya at narinig ni Maine na inilock nito ang pinto. Pumasok si Maine sa banyo, ipinatong ang chips at chocolate sa sink. Nakita nito na nakaboxers na lang si Tisoy. Binuksan ni Tisoy ang coke at nilagyan ng laman ang dalawang baso. Habang si Maine lumabas ng banyo nagpunta sa may kabinet, hinubad ang jumper at hanging blouse.  Kinuha ang black na two piece, shorts at yellow na spaghetti strap blouse pati na ang kikay kit niya at pumasok sa banyo.  Tumayo sa tabi ni Tisoy. Nakita ni Tisoy na nakablack na sportsbra at boyleg na lang ito. Kunyari deadma lang siya pero nanunuyo ang lalamunan kaya dinaan na lang sa paginom ng coke.  Isinabit ni Maine ang mga damit sa railings.  Binuksan ang kikay kit.

Maine: Anong scent ng bubble bath ang gusto mo Lilac or Jasmine?

Tisoy: Lilac

Inilabas din ni Maine ang isang bath sponge.

Tisoy: Kumpleto ah.

Maine: Sa states may bathtub ang banyo ko at hilig ko talaga ang magbubble bath kahit saan ako magpunta kaya lagi akong may dala.

Ibinuhos ni Maine ang laman ng isang maliit na bote sa tubig na basa bathtub. Nang 3/4 na ang tubig ng tub, pinatay niya ito.

Tisoy: This is my first bubble bath, and I just got lucky kasi kasama kita.

Ngumiti si Maine. Inilipat ni Maine ang tray ng baso at coke at ipinatong sa ibabaw ng cover ng bowl, ipinatong din sa tray ang chips at chocolate.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon