Chapter 35 - #heartgoals

2.6K 145 2
                                    

Ang weekend na yon ang pinakamasayang weekend para kay Maine at Tisoy pero tulad ng ibang weekend natatapos din ito.  Hinatid na nila Arturo sila Rosario sa bahay nito, ibinaba ang mga gamit at nagpaalam na. Sumakay na si Arturo ng Van, si Tisoy nagpapaalam kay Maine.  Hawak ang kamay ni Maine.

Tisoy:  Sunduin kita bukas  ha, sabay tayong pumasok.

Maine: Oo sige.  Ingat kayo.

Tisoy:  Goodnight, Mahal.

Maine:  Goodnight.

Nangingiti si Maine.  Sumakay na si Tisoy sa Van. Kumaway naman si Maine.  Tinanaw ni Maine ang Van. Wala pang limang dipa ang naiaandar nila nang biglang...

Tisoy:  Tay, pahinto sandali.

Nagulat si Maine ng huminto ang Van sa di kalayuan. Bumaba si Tisoy at naglakad pabalik.

Maine:   Oh bakit?

Tisoy:  May nakalimutan ako eh.

Maine:  Ano?

Tisoy:  I love you, Mahal.

Napangiti si Maine. Niyakap siya ni Tisoy, gumanti naman ng yakap si Maine at bumulong... 

"I love you too, Mahal."

Pero para kay Maine at Tisoy simula pa lang ito ng marami pang araw na magkasama nilang haharapin.   

Naging busy sa pagaaral sila Maine at Tisoy dahil Marso na.  Halos lahat ng subject may term paper sila.  Madalas magkasama sila sa library at nagreresearch. Nakahiram siya ng desktop kay Mang Kanor at doon niya dinala sa bahay nila Maine.  Kaya pagkagaling sa eskwela, magkasama silang nagtatype ng mga term paper. Tulad ng gabing yon.

Nakasubsob sa libro si Tisoy, nagbabasa para sa Term Paper niya sa history.   Si Maine naman ginagawa ang term paper niya sa Philosophy.  Seryoso sa ginagawa ang dalawa. Pinanonood naman sila ni Arturo at Rosario mula sa kainan.

Arturo:  Anong oras na ba?  Kumain na ba yang dalawang yan?

Rosario:  Hindi pa nga eh magaalas nuebe na eh.  Mabuti pa lagyan ko na lang ng pagkain don sa tabi nila no?

Arturo: Oo nga sige.

Naglagay ng tig-isang tasa ng kanin sa dalawang pinggan si Rosario, nilagyan ng beef brocoli at chopsuey ang isa, nilagyang naman ng fish fillet at chopsuey ang isa. Bitbit ni Arturo ang pinggan para kay Tisoy at isang bote ng coke, bitbit naman ni Rosario ang para kay Maine.

Arturo:  Nak, kain na muna.

Tisoy:  Salamay Tay, pakilagay na lang dyan.

Rosario:  Maine, magdinner na kayo hinto muna kahit ilang minuto lang.

Maine:  Ok Ma, thanks.

Pero parehong hindi man lang tumingin sa kanila. Naiiling na lang ang magasawa.

Mayamaya, nagstretch si Tisoy.

Tisoy:  Mahal tapos na ako, pakibasa nga baka may mali sa english ko eh.

Maine:  Sige, tignan mo nga din ito.  Yung graph ko hindi ko maayos eh.

Nagpalit lang ng pwesto, narinig nila si Rosario.

Rosario:  Kumain na, masamang nalilipasan ng gutom nawawalan ng laman ang utak.

Tisoy:  Opo Nay.

Maine:  Yes Ma.

Sabay na inabot ang pinggan at sumubo ng pagkain habang binabasa ang term paper ng isa't isa.   Makalipas ang isang oras, nagpiprint na sila. Pumasok si Maine sa kwarto, kinuha ang dalawang slide folder isang black at isang yellow. Inabot kay  Tisoy ang black. Inabot naman ni Tisoy kay Maine ang ginawa nitong cover page ng term paper niya.  

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon