Chapter 1

2.6K 59 0
                                    

Malapit ng magdilim ng araw na iyon ay nagmamadaling umalis si Ara ng bahay n'ya. Nabubunggo na nga n'ya ang upuan, aparador o kahit anong gamit n'ya sa kuwarto dahil sa pagmamadali. Muling gumawa ng ingay ang busina ng kotse ng kaibigan n'ya sa labas ng bahay niya. Kaagad s'yang bumaba ng hagdan.

"Manang, palinis na lang kuwarto ko at patanggal lahat ng nakasaksak sa saksakan. I'll be home by midnight"pagmamadaling utos n'ya sa kasambahay niya bago tuluyang tumakbo sa labas.

Pagkalabas n'ya ay nakita n'ya ang matalik na kaibigan n'ya sa loob ng kotse nito at nakabukas ang bintana. Naghalong kaba at sabik ang naramdaman n'ya. Lumabas s'ya ng gate ng bahay nila at nagkatitigan muna sila.

"Aaahhh!"

Sabay silang tumili sa tuwa.

"Bilis! Dalian mo! Magsisimula na yung concert!"tuwang saad ng kaibigan n'ya at kaagad s'yang tumakbo sa kabilang pinto ng kotse nito. Pagkasakay n'ya ay namangha na lang s'ya sa bagong kotse ng kaibigan n'ya.

Katatapos lang nilang dalawa sa pag ma-masteral ng kurso nilang dalawa. Kaya bilang regalo sa isa't isa ay bumili sila ng ticket sa concert ng paborito nilang Foreign Singer na si Ariana Grande na muling bumalik sa Filipinas.

"Seryoso ba 'to? Beng, ang ganda nitong kotse mo!"tuwang saad ni Ara.

"You know naman si Daddy, gusto n'ya yung palaging bago para sa akin"sagot naman ni Bea na damit elegante sa pustura n'ya. Bagsak na bagsak ang tuwid n'yang buhok.

"Naks naman! Iba talaga si Tito"sagot ni Ara.

Napatawa lang nang bahagya si Bea "So ano? Wala ka na bang naiwan? Ang bagal mo kasing kumilos eh. I'm so excited na kaya"

"Ako rin noh! Let's go! I can't wait to see Ari again!"sabik na sabik na sagot ni Ara sa kaibigan n'ya.

"Buckle up, Sis! Here we go!"pagpapaalala ni Bea at saka pinaandar ang bagong Suzuki Swift na kotse n'ya.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon