Makalipas ang tatlong araw.
Habang bitbit ni Thomas ang lahat ng mga paper bags na pinamili ni Ricca ay akbay akbay niya ang dalaga sa paglalakad. Medyo natutulala siya ng walang dahilan.
"Oy, Momas. Bakit ka tulala diyan?"tanong ni Ricca sa kaniya habang medyo nakatingala.
"Ha? Ahh, wala"sagot ng lalaki at medyo inayos ang sarili.
Magkasama ngayon si Ricca at Thomas sa mall, nagpasama kasi ang dalaga sa kaniya dahil ang magaling niyang boyfriend ay hindi siya masasamahan ngayon. Nasa business trip si Prince kaya siya na lang ang sumama tutal busy din naman ngayon si Bea sa pag-aaral niya at sa business niya at wala siyang ginagawa.
"Minsan na nga lang tayo magkasama, lutang ka pa"pagtatampo ni Ricca at nagcross arms.
Hinigpitan naman ng lalaki ang pagkaka akbay sa sa dalaga "Tampo ka na naman, sorry na. Libre na lang kita pizza"saad niya at medyo ngumiti.
Naglakad sila na mistulang magkarelasyon sa mall. High school palang ay magkaibigan na sila. Family friend na rin kasi halos dahil investor ng Tito ni Ricca ang Papa ni Thomas sa business nila. Ang ipinagtataka lang ni Thomas kay Ricca, ang ganda ganda ng business ng Tito ni Ricca pero hindi siya do'n nagtratrabaho.
Kumain na lang sila sa Shakey's at umupo sa may sulok.
"Ang sakit na ng paa ko, bakit kasi naisipan mong magshopping ngayon?"tanong ni Thomas habang inuunat ang katawan.
"Eh kasi naman, noong weekend ko pa niyayaya si Prince na magshopping. Ayaw naman akong samahan kaya sa'yo na lang"sagot ng dalaga at binuksan ang ilan sa kaniyang mga pinamili.
"That's the problem with Prince, wala siyang time sa'yo. You guys should talk about it"saad ni Thomas.
Napataas ang isang kilay ni Ricca "Wow, ginaganyan ganiyan mo na ako ah. Palibhasa happy ka ngayon"
Ngumiti ng bahagya si Thomas "Well"ngumiti siya ng nakakaloko.
"Hay naku, knowing Bea talaga parang ang hirap paniwalaan na nahulog ka sa kaniya,"saad ni Ricca "She's definitely different from your exes. Iba ang ugali ni Bea eh. Feeling ko nga she's not your type"
Napakipit balikat si Thomas "I don't know, I think I wanted something new. Nung una rin naman ayoko sa kaniya kasi first day palang niyayaya na niya ako. How bizzaro, right?"
Napailing iling na lang si Ricca "Hay, I don't know Thomas. Knowing that girl, she can't stay with you for the rest. Iba talaga ang tipo ni Bea. Wild girl at I think, walang pagseseryoso sa buhay"
Natawa ang lalaki "Paano mo nasasabi iyan? Kita mo nga, pursigido siyang maging Doctor at yung business niya nagtatagumpay. Paano mo masasabing walang pagseseryoso sa buhay si Bea?"
"Iba kasi yun, Momas. Basta ewan ko. May ibang ugali si Bea na sa tingin ko'y magiging hadlang iyon sa inyo"
"So sinasabi mo hindi kami bagay ni Bea?"tanong ni Thomas.
"Hindi!"
"Hindi?"
"Hindi talaga! Magiging conflict niyo pagtagal tagal iyang ugali ni Bea. Sure ako"
Kumunot ng kaunti ang noo ni Thomas "Sabi sa akin ni Ara, kaya ko naman da-"
"Oh iyan!,"supalpal ni Ricca "Si Ara, why not her?"
"Si Ara?"
"Oo! She's your type"
Napangisi na lang si Thomas at hindi kaagad nakasagot.
"Tanda ko pa yung sinabi mo saakin noon,"saad ni Ricca "Unang beses mo siyang nakita nagandahan ka na sa kaniya at iba na ang naramdaman mo. Bakit hindi mo tinuloy? Mas seryoso naman sa buhay si Ara kesa kay Bea na spoiled noh?"
Ngumiti ang binata "Mas may dating lang talaga si Bea sa akin tsaka kay Ara, pakiramdam ko kasi iba ang tipo niya. Sure akong hindi rin kami magwo-work no'n tsaka iba si Bea. She makes me happy,"sagot ni Thomas "Lahat yata ng klase ng kasiyahan, nabibigay ni Bea eh ahahahahahaha!"
Napailing na lang si Ricca "Ara is like me, believe me. Kaya nga kami nagkakasundo no'n eh. Parehas kami ng wavelength"
"Yes, naniniwala ako do'n. Actually I can see you in her nga. Nung nakasama namin siya sa Pampanga parang ikaw yung kasama namin kasi parehas na parehas kayo"
"Oh, 'di ba? I told you"
"Pero yun nga ang nakikita ko,"saad ni Thomas "Parehas kayo so parang ang nakikita ko talaga bilang kaibigan lang. Maybe yung tayo pwede ring sa amin yun ni Ara"
Napailing si Ricca "But Ara is better than me. Kaya mag isip isip ka, baka naman pwedeng hindi kaibigan lang ang ituring mo kay Ara. Pwede someone special"
"Bakit? You're someone special naman to me ah!"saad ng lalaki at nagpacute kay Ricca.
"Sira! Ikaw, parang nakababata kong kapatid kasi napapagsabihan ko. Siya, pwede mong maging kaibigan na matalik but in the end, magiging kayo. Ganern!"
"Eh ayoko nga. Si Bea nga gusto ko"
"Edi bahala ka diyan,"saad ng babae "Kapag ikaw, ni isang beses na umiyak dahil sa babaeng iyan hiwalayan mo na ha"
"Hindi ako iiyak kay Bea kasi magiging maayos lang ang sa amin"
"Oh sige, kapag ikaw talaga umiyak dahil kay Bea you will break up with her right away. Deal?"
"Deal!"
"And after breaking up with her, pursue to Ara"
"Ay wag na!"
"Ahahahaha! Joke lang! Ito naman, sige basta ah! Kapag ikaw nasaktan at umiyak kay Bea, break up na kaagad"
"Oh sige na nga. Deal. Para mapatunayan ko talagang hindi ako nagkamali kay Bea"
Napangisi ang dalaga dahil alam naman niyang may malaking posibilidad na mas manalo siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
Fifty plus Votes para makapag UD ako! Hahaha.
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomansaAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.