Chapter 13

647 38 1
                                    

Nasa paboritong Spa nila silang dalawa at nag couple massage sila parang magkasama sa iisang kuwarto. Nagpa Aromatherapy ang dalawa at sabay silang napapa ungol sa sarap nang pagmamasahe sa kanila.

"So, what happened next?"tanong ni Ara habang nakapikit silang dalawa at nakadapa.

"And then yun nga, nag aya magsayaw itong si Jeanine. So kaming girls nagsayaw, naiwan lang ay 'yung Michelle kasi busy sa lips ng boyfriend n'ya and then nung nagsasayaw kami. Itong si Jeanine, hinahalikan si Monica"

"Ay weh?"

"Oo! Talandi, hindi pa nakuntento sa labi nung mga pogi nilang boyfriends eh"

"Hahahaha!"kaagad natawa si Ara. Hanggang ngayon ay taga kinig lang talaga si Ara kay Bea. Kung tutuusin kasi talaga mas maraming kuwento itong si Bea kesa kay Ara kasi si Bea lahat pinapansin at nakikita kaya ang daming nasasabi.

"Si Louie rin kasi may nahanap na guy so ako na lang yung wala and then lumapit ako kay Mr.DJ. Sis, believe me. Ito yung tipo ng lalaking pakipot! Mga tipo mo 'to!"

"The hell Beng! Ahahahahaha!"

"Oo nga! As in, chinito, maskulado, pakipot! Sis! Ang cutie n'ya! Alam mo bang sinexy dance ko na s'ya hindi parin lumambot! Letche, ang pakipot! Ayaw akong patulan!"

"Ahahahaha!"

Kahit kailan talaga hindi naging mahiyain si Bea magkuwento. Napakatotoong babae at hindi tulad nung iba na maldita.

"So you like the guy?"tanong ni Ara.

"Oh, no. Hindi naman masyado. I find him cutie lang. I like him pero parang he won't fall to someone like me. Yung ganun! And of course, he is a Torres. Ano pa bang ilalaban ko di ba? Amen ang family clan ko dun"

Kaagad nabigla si Ara at napatingin kay Bea.

"Torres?"

Tumango si Bea "Thomas Torres"

"Seryoso?! Nagsexy dance ka sa harap ng isang Torres?"

"So what? He's worth the dance"

"My God, seryoso? You flirted the wrong guy!"

"Duh? I flirt with everyone I want. Besides, I just wanna taste him. Ang cutie n'ya kasi Sis. Sobra! Would you like to meet him? I can let you"

Napailing lang si Ara "Please? Huwag mo na kong idamay"

"Sis, palagi silang nandun! I can introduce you to that guy. I swear! He's super cute,"pag aya ni Bea "Next Friday night, let's go there. Kahit tayong dalawa lang. I can guarantee you, they'll be there. I'll introduce you to those new party friends of mine"

Napaisip naman si Ara.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon