Chapter 38

674 40 6
                                    

Kasalukuyan silang kumakain sa McDo at panay maiinit na pagkain lamang ang pinanglalaman sa tiyan nila. Breakfast meals at hot chocolate para sa kanila. Nalaman naman ni Ara na iyong Farm na pupuntahan nila ay pinareserve ni Thomas para lang sa kanilang tatlo. Kung may tao man, iyon ay ang mga caretaker at janitors/tress na lamang. Kumuha ng isang kuwarto si Thomas na kasya ang tatlo. Ang balak pa nga n'ya ay tigi-tig-isa sila ng kuwarto pero sinabihan s'ya ni Bea na iisang kuwarto na lang na may tatlong kama. Wala namang naging problema doon si Thomas dahil ang mahalaga ay makasama lang si Bea.

"Thommy, parang gusto ko ng french fries"saad ni Bea sa kan'ya.

Napatingin si Thomas sa kan'ya na tahimik lang na ngumunguya.

"Large?"tanong ni Thomas.

"May bff bundles na ba?"tanong ni Bea.

Tumango na lang si Thomas at kahit kumakain pa s'ya't ngumunguya ay dumiretso na s'ya sa kahera upang bumili ng hiniling ni Bea. Napatingin na lang ang dalawang babae sa kan'ya. Siguro'y parehas namangha.

"Ang cutie n'ya"tuwang saad ni Bea sabay napatingin sa kaibigan n'ya na namumula na ang buong mukha.

Natatawa na lang din si Ara habang ngumunguya at tinititigan ang nakatayo sa counter na lalaking kumakain habang nakatingala at tinitingnan ang menu ng kinakainang lugar.

"He's very generous and he's like a genie!,"pagkukuwento ni Bea "Lahat ng hiling binibigay n'ya. I feel like I'm a princess"

Napatingin si Ara kay Bea "Kayo na ba?"

"Well, not yet. Pero nafifeel ko ng manliligaw s'ya"sagot ni Bea sabay inilagay sa likod ng tainga ang mahabang buhok n'ya.

Napailing iling na lang si Ara na medyo natatawa sabay sumubo ng pagkain n'ya.

Maya maya pa ay bumalik si Thomas dala ang maraming french fries. Natuwa naman si Bea.

"Kaninong Crispy Chicken Burger 'to?"tanong ni Bea habang binababa ni Thomas ang french fries at maraming ketchup.

"Kay Ara"sagot ni Thomas.

Nabigla si Ara.

"Ha? Eh bakit kayong dalawa lang?"tanong ni Bea na ang tinutukoy ay ang dalawang burgers.

Umupo na si Thomas sa tabi ni Bea.

"May french fries ka na nga, may burger ka pa? Abusado ka ah"

"Ahahaha"kaagad napapikit si Ara sa pagtawa at si Bea naman ay pinalo ng konti ang lalaki habang medyo natatawa rin.

"Joke, syempre bumili ako para kay Ara. Baka gusto n'ya eh"saad ni Thomas at tiningnan n'ya si Ara "Spicy o hindi?"

"Spicy"sagot ni Ara.

"Akin yung spicy. Itong hindi ang sa'yo"saad ni Thomas.

"Uy ano ba?"natatawang saad ni Bea sa kan'ya kasabay ulit ng pagpalo.

"Joke lang, ano ba kayo? Di kayo mabiro"sagot ng lalaki at ibinigay ang burger na gusto ni Ara.

"Thanks"saad ni Ara.

"You're so quiet"pagpuna ni Thomas habang binubuksan ang burger n'ya "Are you always like that?"

Umiling si Ara "Wala pa sa mood dumaldal"

"Ahh, nasa isip ko pa naman kanina baka mapanisan ako ng laway kasi pakiramdam ko, kayo lang mag uusap"

Sabay namang natawa ang magkaibigan.

"For sure naman hindi"sagot ni Ara "Kayo ang happy couple. Happy Third Wheel ako"

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon