Chapter 46

576 43 7
                                    

Bagama't wala na yung dalawa, nagpakabit ng harness si Ara at siya ang sumubok.

"Kuya kapag nakarating ako sa taas walang premyo?"pagbibirong tanong ni Ara habang inaayos ang lagay ng harness sa kaniya.

"Haha, wala Ma'am, try na lang po ulit kayo"sagot ng lalaki at natawa na lang si Ara. Naglagay siya ng helmet at hinanda ang sarili sa pag akyat.

"She won't talk to me!"

Sa narinig na pagsigaw ng isang lalaki ay napangisi na lang si Ara. Hindi siya lumingon at nagpatuloy sa pag akyat.

"Moody lang iyan"sagot ni Ara habang abala sa pagkapit sa mga animo'y bato sa dingding at pagbubuhat ng bigat niya.

"She's always like that,"sagot ng lalaki sa baba habang nakatingala at tinitingnan si Ara "Minsan hindi ko siya mabiro"

Hindi sumagot si Ara dahil nabigatan siya sa sarili niya at nahirapang buhatin ang sarili sa pag akyat.

"Alam mo, she's like Satine in Moulin Rouge. She's crazy but anak ng tokwa minsan, ang hirap suyuin! Kulang na lang magpasagasa ako sa tren para mapatawad ako"

"Hahahahaha!"tumawa si Ara habang hindi parin lumilingon o tumitingin sa baba upang tingnan ang nagsusumbong na lalaki.

"Help me out please?,"tanong ni Thomas "How can I beg her?"

Hindi sumagot ang dalaga.

"Ara? Arabella!"pagpipilit pa ni Thomas pero hindi parin sumagot ang babae. Habang umaakyat si Ara ay todo ang kapit niya sa mga bato dahil nakakaramdam na siya ng lamig at ang kaniyang tuhod ay nanlalambot na.

Ayaw man niyang tingnan kung hanggang saan na ang naabot niya pero napapansin niya na yung taas ng zipline ay halos malapit na siya.

"Ara!"sumigaw ang lalaki pero hindi parin siya sumagot.

"ARA! Kaya mo pa ba?"may pag aalala na tanong ng lalaki habang nakatingala.

Nilagay ni Thomas ang dalawang kamay sa gilid ng bibig niya at muling tinawag ang pangalan ng babae.

"Ara!"

"Ano?!"sagot ni Ara at tiningnan siya.

Napangisi naman si Thomas sa pagkamangha. Nakayanan nitong lumingon sa baba kahit na mataas na ang pinaroroonan niya, natuwa lang siya dahil ang tapang ni Ara.

"Kaya mo pa ba?"tanong ni Thomas.

"Oo, sumasakit lang yung braso ko"sagot ni Ara at muling tumingin sa ginagawa niya.

"Keep your thighs and legs strong, sila yung mas kailangan mo"sigaw ng lalaki.

"Okay"sagot lang ni Ara at pinilit maka akyat.

"You can go down now if you can't do it"saad ng lalaki. Hindi nakinig ang babae dahil alam naman niyang kaya pa niya.

Pinanood na lang ni Thomas si Ara umakyat at hindi naman maitanggi ni Thomas na mas nakikita ang ganda ng katawan ni Ara. Pasimula sa maganda niyang kurba at sa puwet nitong maumbok na tama lang ang laki.

"Oh yeah"bulong ni Thomas at napangiti.

Hindi na nila namalayan na naka akyat na si Ara sa taas.

"Nice one Ara!"sigaw ni Thomas.

Naghandang bumitaw si Ara at tinulak ang sarili sa pader gamit ang kaniyang paa. Unti unti siyang binaba ng tali habang parang palakang lumulundag. Wala pang limang segundo ay nakababa siya at lumapit si Thomas sa kaniya.

"Now please? Help me?"tanong ni Thomas at ngumiti kasabay ng pagpapa amo ng mata.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon