Chapter 7

712 36 2
                                    

Dumaan ang isa't kalhating oras ay nakikisabay na sa sigawan itong magkakaibigan. Medyo lasing na rin dahil sa mabibigat na order ng alak nitong mga lalaki na kasama nila. Mapapansin na naghahalikan na itong mga may katipan at napakanormal lang sa kanila nito. Hindi naman maiwasan ni Bea na makiindak sa halo halong pagtunog ng malakas at masayang patugtugan.

"You guys wanna dance?"tanong ni Jeanine sa kanila at pumayag sila.

Hawak kamay na naglakad papunta sa nagkakagulong mga tao ang magkakaibigan. Nagsayaw sina Bea, Louie, Jeanine at Monica sa gitna. Nagsayaw sila na parang wala ng bukas. Binuhos ang natitirang enerhiya sa katawan upang isayaw sa masayang gabi.

"The DJ is good!"palahaw na saad ni Bea dahil sa ingay ng club.

"Ah! That's our friend, Thomas. He sometimes play here kasi kaibigan ng cousin n'ya yung may-ari nitong club"sagot ni Monica habang nagsasayaw.

Napangiti sa loob loob si Bea at mas nagsayaw. Nadadala s'ya sa bawat pagbagsak ng beat ng patugtog at kahit nakakabingi ay napapangiti s'ya dahil tamang tama sa tiyempo ang tunog. Sumasabay sa bilis ng tibok ng puso n'ya ang patugtog ng maingay na club at sumasabay pa ang pagkalasing n'ya.

Habang nagsasayaw s'ya ay napansin n'yang naghahalikan na sa gitna ng maraming tao si Jeanine at Monica. Napangisi si Bea dahil nabigla s'ya sa bago n'yang mga kaibigan.

Napatingin ang dalawa sa kan'ya at ngumiti sila sa kan'ya.

"Sshhh"saad ni Jeanine at nilapat ang pandurong daliri sa kan'yang labi na nagsasabing huwag sila isumbong sa kanilang mga katipan. Ngumiti lang si Bea. Hindi naman na s'ya nabibigla dahil hindi ito ang unang beses na makakita s'ya ng ganito. Kung tutuusin ay maraming artistang mga babae ang nakikita n'yang naghahalikan sa bar lalo na kapag lasing na. Minsan nga ay mga Beauty Queens pa.

Ilang indak pa ang ginawa nila at napansin n'yang si Louie ay may nabingwit na rin na lalaki. May nakikipag-usap na ritong lalaki na mukhang nakasayaw lang din dito.

S'ya na lang pala ang nag-iisa.

Tumingin tingin s'ya sa paligid at nakita n'ya ang isang lalaki sa may parteng entablado sa tabihan. Abala habang may nakasabit na malaking headphone sa leeg at medyo sumasabay sa beat. Nakasuot ng sandong hinahati ng kulay gray at itim. May magandang mamahaling relos at may maskuladong katawan.

Inayos ni Bea ang kan'yang suot na dress upang mas ilabas ang kan'yang cleavage saka lumapit sa poging DJ.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon