Chapter 37

565 33 0
                                    

Alas singko ng umaga ay dumating na ang kotse ni Thomas sa tapat ng bahay ni Ara. Malamig at madilim pa, umuusok pa nga ang bunganga ni Ara sa lamig at inaantok pa s'ya. Bitbit ang isang sports bag ay lumabas ng gate si Ara suot ang skinny jeans at nirvana na blouse.

Bumaba si Thomas ng kan'yang kotse.

"Do you want to put your bag in the trunk?"tanong ni Thomas.

"Ah, wag na. Kasya naman siguro dito"sagot ni Ara.

Hindi naman maiiwasan na maginoo si Thomas. Kinuha nito ang dala n'yang bag at pinagbuksan s'ya ng pinto.

Napangiti ng konti si Ara "Salamat"

Pagkapasok n'ya sa loob ng sasakyan ni Thomas ay iniabot sa kan'ya ang kan'yang bag at sinarhan ang pinto.

"Ang gentleman noh?"tanong ni Bea habang nakatingin sa kan'ya mula sa unahan.

"Baka naman sinabi mo kung anong gagawin"saad ni Ara.

"Hindi ah! Gan'yan lang talaga s'ya"sagot ni Bea.

Napatango tango si Ara.

"Iba talaga ang powers ng flirting skills mo"bulong ni Ara at natawa si Bea. Sakto namang pumasok si Thomas sa sasakyan at umupo sa upuan ng magmamaneho.

"So where should we stop first?"tanong ni Thomas.

"I want pancakes from Mcdo"sagot ni Bea sabay lumingon kay Ara "Ikaw Sis?"

Napabuntong hininga lang si Ara "You know what I want"

Napangisi si Bea at mukhang naintindihan ang kan'yang kaibigan.

"Mcdo"nakangiting saad ni Bea kay Thomas at tumango lang si Thomas.

Byumahe sila papunta sa pinakamalapit na Mcdo at pansin na ni Ara na parang napakanormal na ni Bea at Thomas sa isa't-isa. Sa pagkakatanda kasi n'ya kapag bago bago palang si Bea at yung lalaking kalandian n'ya panay ang hawakan ng kamay at landian. Pero rito kay Thomas, kung makapagtabi sa unahan at ang aura nila, para bang 5 years na silang magjowa! Napakanatural! At parang sanay na sanay na sila isa't-isa.

Todo isip tuloy si Ara kung ano ang nangyari sa kaibigan n'ya at sa lalaking gustong manligaw sa kan'ya. Bakit parang napaka natural na lang ng lahat? Ni hindi sila masyadong nag uusap, hindi tulad nung mga baguhang nangliligawan ang daming kuwentuhan at tawanan. Bakit sa kanila parang iba?

Ano bang meron sa kanila?

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon