Chapter 9

731 35 0
                                    

Ngumiti ng bahagya si Bea ng marinig ang kanta ni Chris Brown na Wet the Bed. Mabuti na lang dahil alam n'ya ang kanta kaya alam n'ya kung kelan n'ya babagalan at bibilisan ang pagsasayaw.

Bago pa s'ya mapagtawanan ng mga tao ay tumayo s'ya sa table kaya tiningala s'ya nga mga tao at ng DJ.

Pagkatayo n'ya ay bahagya n'yang kinembot ang balakang. Nakaharap s'ya sa DJ na ngayon ay bumibilis ang tibok ng puso. Siguro'y nabibigla dahil may isang magandang babae na sinasayawan s'ya na kitang kita ang makinis na binti at hita. Hindi naman nawawala ang tinginan nila sa isa't-isa na parang tinutunaw ni Bea ang DJ sa tingin n'yang nakaka akit at sa pag sayaw n'ya ng mabagal. Dumating sa punto na kailangang medyo bilisan ni Bea ang pag galaw kaya sinabayan n'ya ito. Napapatahimik n'ya ang mga tao sa galing n'ya at sa kan'yang nakakabighaning ganda.

Napatulala na lang ang DJ habang nakatingin sa kan'ya at halatang nag iinit na rin. Sa kan'yang pagsasayaw ay hinahawakan n'ya ang kan'yang dibdib at pasimpleng binababa pero hindi n'ya ito hinahawakan upang mabitin ang guwapong lalaki. Mas ginalingan n'yang gumiling at napapatingala pa s'ya kasabay ng pagpikit pikit.

Narinig n'ya ang pagsigawan nung mga tao sa likod dahil tanging likod lang n'yang nakikita at iyong matambok n'yang puwet.

Bago pa tuluyang maiba ang ihip ng DJ ay kinibo n'ya ang musika. Habang tumutunog ito ay bahagyang binabagalan n'ya at binibilisan ang musika. Kasabay ng paglalagay n'ya ng beat.

Mas ginanahan si Bea at mas nag init s'ya ng marating ang chorus ng kanta.

"Woah!"napasigaw s'yang habang nakapikit at sinipa yung baso ng champagne sa table na sinasayawan n'ya.

Nagsigawan yung mga tao sa tuwa lalo na ang mga lalaki. Mas lumalabas ang kainitan ng katawan ni Bea kaya napapababa s'ya at bahagyang binubukaka ang legs n'ya para sa DJ. Sumasabay naman sa sigaw ang mga tao kapag nakikita nila inaakit ng sobra ni Bea ang DJ. Kahit ang mga kaibigan ni Bea ay ginaganahan sa ginagawa n'ya. Nadadala n'ya ang buong katawan n'ya sa pag giling n'ya kaya hindi s'ya pinipigilan.

Binilisan ng DJ ang beat kaya habang nakatingala si Bea ay mabilis n'yang pinapaikot ikot ang kendeng ng balakang n'ya na animo'y si Shakira kung magsayaw kaya napasigaw ang mga tao sa tuwa at nung mag init si Bea ay mabilis na binalik sa mabagal ang beat ng musika kaya naging mabagal muli ang pag ikot ng balakang ni Bea. Nagpalakpakan ang mga tao dahil hindi naiwan ang dalaga sa ginagawang paglalaro ng DJ sa kan'ya.

Napatigil na lang ang DJ at uminom ng alak habang pinapanood ang dalagang magsayaw. Parang natatamaan na s'ya ni Bea kaya napapalunok lunok na s'ya.

Pagkatapos ni Bea mag sayaw ay nagsigawan ang mga tao. Tuwang tuwa naman ang mga lalaki dahil sa mainit na performance n'ya sa harap ng sandamakmak na tao.

Napangiti na lang si Bea dahil alam n'yang nahuli n'ya ang DJ, pansin kasi sa pagpapawis nito sunod sunod na pag inom ng alak habang nakatitig sa kan'ya.

Bumaba si Bea sa loob ng puwesto ng DJ sa tulong ng waiter. Pagkababa n'ya ay lumapit s'ya sa DJ. Namangha si Bea sa kaguwapuhan ng Dj, idagdag pa ang pawisan nitong mukha. Seryoso lang s'yang tinititigan ng DJ. Walang pagbabago sa mukha. Mabigat ang paghinga at matapang parin ang tingin sa kan'ya.

Napangiti lang si Bea.

"Am I good Mr.Dj?"

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon