Chapter 4

897 40 0
                                    

Alas Nuebe ng gabi ay nagkita na si Bea at Louie sa sinabing Bar nito. Si Louie ay isa sa naging kaibigan n'ya sa La Salle. Hindi man sila nagkakasundo sa ibang bagay pero nagagawan naman ng paraan kasi mahaba naman ang pasensya ni Louie kay Bea. Nagtratrabaho bilang isang Call Center Agent si Louie at katrabaho nito ay si Jeanine na ngayon ay makikilala nila sa bar. Bagong kaopisina ni Louie si Jeanine at mabilis silang nagkasundo dahil parehas sila ng hilig. Maganda ang katawan ni Jeanine at may maamong mukha. Mahinhin magsalita at elagante kung tumayo na hindi nagpapatalo sa kasamang dalawang babae.

"Jea, this is Bea,"pagpapakilala ni Louie sa kaibigan at kaagad na nag kamay yung dalawa kasabay ng magandang ngiti "She's my friend since College. And Bea this is Jea, new officemate ko"

"Hi, I've heard so many good things about you"nakangiting saad ni Jeanine habang nagkakamay silang dalawa.

"Hello, nice to meet you. I like your dress"pagpuna na lamang ni Bea sa damit ng babae dahil ngayon lang naman n'ya nakilala si Jeanine.

"Thank you,"sagot ni Jeanine at nagbitaw na sila ng kamay "Umm, my boyfriend is inside. You guys ready to enter the place? It'll be fun to meet his friends"

Sa pagyaya palang ni Jeanine ay kinutuban na si Bea na may magandang balita ang bagong kaibigan sa kanila. Napangiti na lamang si Louie at Bea kasabay ng pagpayag. Pumasok sila sa patay sinding makulay na ilaw sa loob.

Suot ang 5 inches high heels Gucci shoes ay napahawak si Bea kay Louie dahil nahirapan siyang maglakad dahil sa masikip at hindi niya kabisado ang patag dito.

"Lu, I think this club is wilder than I expected. It's way too many people pa"bulong ni Bea sa kaibigan habang nasa likod sila ng nauuna sa paglalakad na si Jeanine.

"Ganito talaga rito,most people in here nga di ba is in our age. Same wavelength. Sabi ni Jeanine,heirs and heiresses come here everynight. Even businessmen and womyn. This club is a blast for us"bulong na sagot ni Louie.

Sa isip isip tuloy ni Bea ay dapat naisama n'ya si Ara dahil mukhang dito sila makakatagpo ng di nila inaasahang tao.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon