"Prince?"tanong ni Bea habang nakatingin doon sa lalaking lumapit kay Ricca.
"Oh! Bea, right?"tanong nito at natawa sila.
"Magkakilala kayo?"tanong ni Ricca.
"Yes baby,"sagot ni Prince "S'ya yung bagong kaibigan ni Jeanine na kasama n'ya sa Bar nung isang linggo"
Napairap na lang si Ricca "You never mentioned that it was Bea Escudero"
Halata kay Ricca na may halong dismaya sa boyfriend n'ya. Natawa na lang si Prince at inakbayan si Ricca.
"Pasensya na. Moody kasi itong girlfriend ko,"saad ni Prince "Kamusta na nga pala, Bea? Kailan ka babalik ng Bar? Alam mo, hinahanap ka ng mga tao dun"
Natawa lang naman si Bea dahil alam n'yang natandaan s'ya ng mga tao dahil sa pagsayaw n'ya sa harapan.
"Asap,"sagot n'ya "Hinihintay ko lang pumayag itong kaibigan ko na sumama saakin. I want to introduce her to that Bar"
Napatingin lang si Ara kay Bea at napailing iling.
"Oh, that's great,"sagot ni Prince at tiningnan si Ara "Hi, I'm Prince Rivero"
Napangiti lang si Ara at nagkamayan silang dalawa.
"Ara"sagot ng babae.
"Alam mo what a small world. I never knew na girfriend mo pala ang college friend namin ni Ara"saad ni Bea.
Napakipit balikat lang si Prince at natawa ng konti.
"Kulang na kasi kami sa kuwentuhan nitong boyfriend ko eh. More on parties and new girls na kasi"sagot ni Ricca na halatang nagseselos na. Natawa na lang si Prince.
"Masyado kang drama queen. Tara na nga, we can still catch the third full show in cinema"pagyaya ni Prince at napapayag naman n'ya ang nagtatampong girlfriend.
"Sige, see you soon Girls"pagpapa alam ni Prince dun sa dalawa at umalis na sila.
"Sino yung guy, Beng?"tanong ni Ara.
"S'ya yung kaibigan nila Louie sa Bar. Kabarkada n'ya yung DJ"sagot ni Bea.
Napairap si Ara "Ayan ka na naman sa DJ mo. Bukambibig mo na 'yan"
"Hahaha! He's so cute kasi! Come on! Come with me naman. Let's go back to that bar"

BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.