"Sis!!!"
Kaagad nataranta si Ara ng marinig n'ya ang sigaw ng kaibigan sa kabilang linya. Hindi n'ya alam kung ilalayo ba n'ya yung headset n'ya o hihinaan ang volume ng cell phone o di kaya ay papatayin ang tawag. Mag aalas dose na ng hatinggabi ay tumawag pa ang makulit n'yang kaibigan kaya nagising na ang diwa n'ya mula sa pagkakatulog.
"Oh? Bakit ba?"may inis na sagot ni Ara habang napapakamot ng ulo.
"Sis! May gagawin ka ba next week?" tanong nito.
"Bakit nanaman? Kung yayayain mo akong mag bar ayoko, for sure, andun si Joshua"
Kaagad natawa ang sabik na kaibigan.
"No, silly! I'm inviting you to go for some adventures"sagot ni Bea.
"Hmm, kailan?"
"Next week maybe Saturday. Hiking or Rapelling, do you want to join us?"
Nagtaka si Ara "Us?"
Narinig n'ya ang pagtawa ni Bea na halatang kinilig.
"Thomas"
Nabigla ng kaunti si Ara sa narinig. Hindi n'ya inaasahan na nagiging seryoso na nga ang pag-uusap ng kan'yang kaibigan at ng nasabing lalaki. Hindi alam ni Ara pero alam n'ya sa sarili n'yang parang kumikirot ang dibdib n'ya tuwing naririnig kay Bea ang kuwento tungkol sa lalaki. Parang nabibingi ang kan'yang tainga kapag binabanggit ni Bea ang pangalan ng lalaki. Hindi n'ya alam kung bakit ganoon pero tanging nasa isip n'ya ay kung bakit parang ang bilis ng lahat.

BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.