Chapter 29

580 33 28
                                    

Habang nakapatong ang ulo ni Bea sa braso ni Thomas ay halos walang puwang sa pagitan ng katawan nila sa kama. Nakatitig lang si Thomas sa babaeng nasa harap n'ya at halos matunaw na sila dahil sa titigan nila.

"Don't you think we're too fast?"tanong ni Bea.

"Too fast or not, as long as we are happy, that's enough"sagot ni Thomas.

"Are you really happy?"

Hinalikan ni Thomas si Bea sa noo.

"Happy with you?,"tanong ni Thomas "Do I really have to answer?"

Natawa na lang si Bea.

Kung tutuusin ay talagang naging napakabilis nila. Nadaan lang ng ilang araw at gabi sa text o tawag, o di kaya ay message o video call ay totoong nahulog sila isa't isa. Tunay na hindi na maka-Filipino ang paraan ng pag-iibigan ngayon pero sino nga bang makakapagsabi?

Pag-ibig 'yan eh, wala namang may alam sa tunay na tama o mali sa pag-ibig.

Kahit ilang araw palang silang naglalambingan ay nakokontento na sila sa isa't-isa. Ramdam na nga ni Thomas na mukhang magkakaroon sila ng seryosong pagsasama dahil marami silang pagkakaparehas at marami silang napapagsunduan.

Ganun naman na talaga siguro ang pag-ibig ngayon. Basta't masaya at wala ng hahanapin pa, kahit mabilis pa lamang ang pinagsamahan, pag-ibig na 'yan. Wala ng bitawan.

Siguro si Thomas kay Bea dahil hindi hamak naman na bagay sila sa isa't-isa at mukha namang hindi sila magkakasakitan. Mabait naman ang dalaga at totoo sa sarili kaya kahit seryosong lalaki si Thomas ay napapalambot s'ya ng makulit at makuwentong babae.

"Anong gagawin mo next week?"tanong ni Thomas habang nilalaro laro ang buhok ni Bea.

"Hmm, on Friday I'll just pass my research papers. Why?"

"What if we travel?"

"Saan naman tayo pupunta?"

"Let's try adventures. Like Hiking or Mountain Repelling"

Ngumiti si Bea "Ooh! Mahilig sa ganun si Ara. Mind if I invite her?"

Napasimangot si Thomas "Paano kita masosolo n'yan?"

"Sus! I know you can always find ways and besides, sanay na si Ara. S'ya kasi lagi kong kasama eh. Nung nawala nga ako ng isang linggo sa kan'ya nagtampo na s'ya. Kambal na kasi kami nun eh"

Napabuntong hininga na lang si Thomas.

"Oh sige, isama mo s'ya. Bonding na rin kasi hindi ko pa nakikilala ang closest friend ng soon girlfriend ko"

"Agad agad?!"

Natawa si Thomas "Oo naman" sagot n'ya sabay pabirong hinalikan si Bea sa leeg.

"Aahh! Stop! Thommy! Hahahaha!"

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon