Chapter 44

608 37 7
                                    

Nung makarating si Bea sa dulo ay tinanggalan siya ng harness nito at pagkatapos ay pumunta siya sa kaibigan abala sa pagkuha ng litrato. Todo ang pagsusumbong ng dalaga sa kaibigan habang medyo nakanoot ang noo pero si Ara naman ay tumatawa lang nang bahagya at pinapakalma ang kaibigan.

"Bea"pagtawag ni Thomas nung makarating siya sa dulo at nagpatanggal ng harness. Hindi naman siya nito pinansin at napabuntong hininga lang si Bea.

Napatingin si Ara kay Thomas at nakita niyang natatawa tawa pa ang lalaki. Pinaglakihan ng mata ni Ara si Thomas at natawa lang muli ang lalaki.

Lumapit si Thomas kay Bea at kaagad niya itong niyapos habang nakatalikod ang dalaga.

"Aww, don't get mad"saad ni Thomas at hinalikan sa kaliwang balikat si Bea.

Napatingin na lang si Ara sa kanila ng nakangisi habang sinusuyo ng lalaki si Bea.

"Paano ako hindi magagalit? I'm dying up there, wala ka man lang support"may galit na saad ni Bea.

Pasimple na lang pumunta sa likod si Ara at habang nakayapos ang lalaki sa babaeng nakatalikod at sinusuyo, kinuhanan niya ito ng litrato.

"I just want you to be free. Ayoko kasing nag ho-hold up ka. Gusto ko mag let go ka"saad ni Thomas.

"Hindi ko nga kaya tapos tutulakin mo ko. Who does that Thomas? Who does that? Ikaw lang yata"may galit parin ang dalaga.

Kumuha ng tatlong maayos na litrato si Ara at napangiti na lang siya nung makita niyang maayos ang mga nakuha niya.

"Sa susunod kasi, huwag mo kong bibiglain"saad ni Bea at tiningnan si Thomas.

"So you don't like surprises pala"saad ni Thomas at bumitaw na sa pagkakayapos pero magkahawak ang kanilang kamay.

"No, but I don't like heart attack"sagot ni Bea at medyo ngumisi.

Natuwa si Ara sa nakitang puwesto nung dalawa. Magkahawak kamay sila at nakangiti ng konti sa isa't isa. Sakto, sumisilip pa naman ang liwanag ng araw sa mga punong lumililom sa kanila. Napapaligiran kasi sila ng puno at ang tanging sinag ay pakonti konting silip lang sa puno. Mabilis na kinuhanan ni Ara ang dalawa na walang ka alam alam.

"Please don't get mad na"saad ni Thomas at mas nilambingan pa.

"Okay, don't it again ha. Kung hindi, ipaparesbak talaga kita kay Sis. Di ba Ara?"saad ni Bea at napatingin silang tatlo sa isa't isa.

"Ano ka ba? Hindi kaya ako mareresbakan ni Ara, mabait siya sakin. Di tulad mo, ang sungit sungit"saad ni Thomas at ngumiti ng konti kay Ara.

Dumila na lang si Bea kay Thomas.

"Sis, try mo mag wall climbing"saad ni Bea sa kaibigan. Umiling naman si Ara.

"Mamaya na, wala pa kong gana eh"sagot ng kaibigan.

"Ikaw Babe? Gusto mo mag wall climbing tayo?"tanong ni Bea kay Thomas.

Kaagad may pumintig sa tainga ni Ara nung marinig niya ang tawag ni Bea kay Thomas. Pumayag naman si Thomas at nauna na si Bea pagpunta doon. Nakita naman ni Ara na parang may hinahanap si Thomas.

"Asan yung tubig ko?"tanong ni Thomas.

"Oh"saad ni Ara at ibinigay kay Thomas ang bote.

"Thank you"sagot ni Thomas at uminom. Sabay silang naglakad papunta sa wall climbing section.

"Babe?"pagbibiro ni Ara sa lalaki.

Ngumiti nang bahagya si Thomas "Yun gusto niya eh"

Napangisi si Ara "Baduy"

"Anong gusto mo? Mahal?" Sarkastikong tanong ni Thomas.

Kaagad natawa nang bahagya si Ara. Para kasing ang dating ay nagtatanong si Thomas sa kaniya na ang itinawag sa kaniya ay Mahal. Sa isip ni Ara ang pagkakasabi ni Thomas ay 'Anong gusto mo,mahal?'

Kaya natawa na lang si Ara at napailing iling.

"Mas baduy"sagot ni Ara.

"Alam ko na,"saad ni Thomas "Moo, My Only One. Naks!"

"Ahahaha!"kaagad natawa si Ara kasabay ng pagtawa nang konti ni Thomas.

"Ah alam mo talaga mas maganda?"tanong ni Thomas.

"Ano?"

"Wim, Walang Iwanan Mahal"

"Ahahaha!"

Sabay silang natawa sa kabaduyan ng mga sinasabi ni Thomas. Hindi na tuloy matigil si Ara dahil sa elegante ng lalaking si Thomas, nagagawa nitong mag biro na kala mo'y isang simpleng tao lang.

Habang nakikipag usap si Bea sa nag babantay ay napatingin siya sa dalawa. Natuwa naman siya dahil nakikita na niyang nagkakasundo si Ara at Thomas. Napangiti na lang si Bea habang pinagmamasdan yung dalawa na nagtatawanan habang naglakakad. Napapansin na rin niyang hindi na nahihiyang tumingin si Thomas kay Ara. Sa pagkaka alam kasi ni Bea, kapag ang isang tao hindi kayang tumingin ng diretso sa isang tao, nahihiya pa ito at nag aalinlangan. Pero sa nakikita niya, mukhang ayos na sila sa isa't isa. Mukhang wala ng problema. Magiging madali na lang ito para sa kanila ni Thomas.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon