Matalik na magkaibigan si Ara at Bea. High School pa lamang sila ay naging magkaibigan na sila hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral. Si Ara ay may kayumanggi na kulay at Filipinong Filipino ang ganda. May maikling buhok na hanggang balikat at palaging nakaipit ng hair clip sa gitna . Ang natitirang buhok na hindi nakaipit ay pinaghihiwalay n'ya upang ipatong sa magkabilang balikat n'ya. Tapos sa kursong Business Management at ngayon ay kinuha ng Tito n'ya bilang Sales Manager sa munting kumpanya nito. Ngayon ay mag isa sa Filipinas si Ara. Ang Nanay n'ya at Kuya n'ya ay nasa Orlando, Florida at doon na naninirahan. Si Manang na lamang ang kasama n'ya sa bahay na kung saan labing limang taon na nagtratrabaho sa kanila. Bagama't nag-iisa ay hindi naman s'ya pinapakawalan ng makulit n'yang kaibigan na si Bea. Tapos sa kursong Psychology at ngayon ay nagpapatakbo ng kanyang sariling Cafe Shop. Lawyer at Wedding Organizer ang mga magulang ni Bea. Hindi naman mahigpit ang mga magulang n'ya lalo na't nag iisang anak s'ya. Mahinhin pero laging nalalagay sa problema. Mahilig kasi sa party si Bea at hindi naman s'ya tinatanggihan ng Bar. May lahing Spanish ang pamilya n'ya kaya kitang kita ito sa maputi n'yang kulay, sa kulay abo n'yang mata at golden-red na kulay ng kaniyang buhok. Hindi rin makakaila na habulin ng lalaki si Bea. Ngunit kahit ganoon ay mabait naman s'ya at maasahan pero ang problema ay masyado s'yang mahina pagdating sa pag-ibig.
Nakarating sa tamang oras ang magkaibigan. Hawak kamay pa silang naglalakad papunta sa loob suot ang VIP Pass na pinag ipunan nilang dalawa.
"I'm so excited. Gosh"saad ni Bea na medyo namumula na dahil sa pagkakaba.
"Beng, namumula ka na"pagpuna ni Ara sa kaibigan n'ya.
"Oh come on, sino bang hindi mamumula? I can't wait to see Ariana. Lalo na, VIP pass pa tayo. Ngayon lang kaya tayo nakapag VIP. How cool is that right? Meet and Greet with her pa later. Ooh, so excited"
Napangiti si Ara dahil nanlalamig ang kaibigan n'ya. Pansin n'ya ito dahil sa kamay n'yang hawak hawak.
"Kalma lang, makikita rin natin s'ya"
"Aww, let's make this night memorable Sis"saad ni Bea at inakbayan si Ara kasabay ng pagpatong ng ulo n'ya sa balikat ni Ara.
Tumawa lang naman si Ara.
Clingy si Bea kay Ara. Kung tutuusin nga, sobrang lambing ni Bea kay Ara. Masuwerte si Ara kasi naging kaibigan n'ya ang Queen B. S'ya kasi yung tipo ng babae na paborito ng lahat. Kung tutuusin nga, Duff si Ara pero kahit kailan ay hindi iyon ipinaramdam ni Bea sa kan'ya. Bilang magkapatid na talaga ang turingan nila dahil parehas silang walang kapatid na babae. Kaya itong si Bea ay sobrang dikit kay Ara kasi wala s'yang kapatid. Sa tinagal tagal ng pagkakaibigan nila ay hindi sila nagsawa sa isa't isa. Halos labing dalawang taon na silang magkaibigan kaya lahat na ng kuwento ng isa't isa ay alam nila. Talagang magkaibigan na matalik sila.
Sumisigaw silang dalawa sa tuwa kasabay nang konting pagkanta at sayaw. Nakikiindak sa pagkanta ni Ariana Grande. Muli lang nagsaya ang magkaibigan matapos ang mala trahedya nilang pinag daanan sa De La Salle University. Pasimula sa nakakakabang presentations hanggang sa pamatay at nakakaiyak na thesis nila.

BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.