Makalipas ang dalawang taon ay naging tagumpay ang magkaibigan sa kanilang piniling trabaho. Sa munting kumpanya ng Tito ni Ara ay kinuha s'yang Sales Manager at si Bea naman ay muling bumalik sa pag aaral para maging ganap na Doctor kasabay ng pagpapatakbo ng sarili n'yang Cafe Shop.
Palaging sinusundo ni Bea si Ara sa opisina n'ya kapag gusto n'yang mag gala o di kaya ay may pupuntahan sila. Hanggang ngayon siguro ay wala parin silang sawa sa isa't isa.
"Sis, come with me mamaya"
Sa boses pa lamang ni Bea ay nahalata na ni Ara na sabik ang kaibigan n'ya habang magkausap sila sa cell phone. Nasa opisina kasi si Ara at si Bea naman ay nasa shop n'ya.
"Saan na naman?"tanong ni Ara habang may binabasang mga papeles.
"Si Louie, may bagong bar na alam. Yung boyfriend kasi nung officemate n'ya may madalas na pinupuntahang bar. Right for our age"
Napataas ang isang kilay ni Ara. Halos matagal na rin ang huli nilang pagpa-party kaya nagdalawang isip si Ara.
"Not sure Beng,"sagot n'ya "May report kasi ako bukas eh. Ayoko namang pumasok na hangover"
Narinig n'ya ang pagtawa ni Bea.
"Hello?"
May pang-aasar na saad ng kaibigan n'ya.
"I also too. Research papers pa nga 'yun eh pero you know, I need boys"
Napailing iling na si Ara "Ikaw talaga, hindi ka na nagbago. Beng, magdo-doctor ka. Kaya dapat maging decent person ka"
"Haluh?! So hindi ako disente? Ganun? Grabe ka saakin"
"Haha! Tigil tigilan mo na kasi 'yang mga lalaki mo. Sinabi ko naman kasi sa'yo, pumili ka na lang ng boyfriend para kahit anong gawin n'yo okay lang"
Narinig ni Ara ang pagsara ng pinto sa kabilang linya. Nasa isip n'ya ay siguro sinarhan ni Bea ang pinto ng opisina n'ya kasi masyado ng lumalalim ang usapan.
"You know naman that I've tried. Nagkaboyfriend naman ako kaso walang nagtagal. Yun lang ang habol saakin so I think, this is who I am"
Muling natawa nang bahagya si Ara na may halong pagkadismaya.
"Alam mo kasi, masyado kang open. Try mo magpakipot, baka sakaling may pumiling magpatibong"
Natawa ng malakas si Bea na sa tingin ni Ara ay napatingala na ito katatawa.
"Jesus Christ, Victonara Galang hindi ka na nasanay. We're still young, dummy. Kailangan nating magpakasaya before we try settlement"
"Aba! May plano ka pa palang mag settle down"saad ni Ara habang nakataas ang dalawang kilay n'ya.
"Oo naman noh? God. You don't have to make bully me, if ayaw mong sumama with me then say it. Hindi naman kita pipilitin ngayon. Besides, I'm not familiar with that bar club. Ayaw naman kitang yayain sa place na hindi tayo familiar so if ever na hindi maganda yun at least, you'll not be disappointed. Get me?"
Tumango tango si Ara kahit na hindi naman s'ya nakikita ng kalog n'yang kaibigan.
"Yep,"sagot n'ya "I totally get that"
Napabuntong hininga na lang si Bea "Oh, okay. Hmm, alam mo na kung bakit hindi muna kita masusundo mamaya ah. I have to make paganda pa para sa boys"
Sabay silang natawa nang konti.
"Ang tearts mo talaga"pangloloko na naman ni Ara.
"Ahmp! Manang! Sige na nga. Bye, talk to you later Sis"
"Sige, Bye"
Binaba na nila ang tawag at si Ara ay napabuntong hininga na lang. Hindi naman na s'ya nagsawa sa kaibigan n'ya. Kung tutuusin nga, s'ya ang pinaka nakakakilala kay Bea.
High school palang sila ay alam na ni Ara na sexually open si Bea. Unang boyfriend kasi ni Bea ay yung pinakasikat na senior high nung paaralan nila kahit na Sophomore palang sila. Naging bukas si Bea sa lahat pero kahit ganon ay hindi naman nagbago ang pag kakaibigan nila ni Ara. Alam lahat ni Ara ang kuwento ni Bea. Pasimula sa unang kasintahan hanggang sa huling ka sex party nito. Kiss-and-tell kung tawagin si Bea pero kay Ara lang naman n'ya nasasabi yun. Sanay na rin naman na si Ara at kahit na ganun ay mataas parin ang tingin n'ya sa kaibigan n'ya dahil sa hindi matatawarang talino nito at galing sa pustura. Hindi naman masasabing 'slut' o kahit ano pa si Bea. Talagang mahilig lang s'yang magsaya sa night life n'ya.
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.