Habang tahimik ang isa't-isa ay nagising si Ara. Kaagad s'yang napabuntong hininga.
"Okay sorry,"bulong n'ya "Sorry Sorry, a little case of PMS"
Naging totoo naman ang paghingi n'ya ng tawad sa kaibigan. Nadala lang s'ya ng init ng ulo at ang buwan n'ya.
Hindi naman kaagad nakasagot ang kaibigan.
"Beng, sorry. Masyado ka kasing nalulong sa lalaking 'yan. Nagtatampo lang ako. Isang linggo lang 'yun Beng eh. Isang linggo lang"
"Hmm yeah, I understand"sagot nito.
"Hindi ko kasi kilala yung guy and sobrang bilis lang. Sorry"
Narinig n'ya ang konting pagtawa ng kaibigan.
"It's fine," sagot nito "Alam ko naman kapag tinotopak ka na ng PMS mo"
Natawa na lang din si Ara.
"Okay okay, I guess that plan of Thomas will be a good plan for all of us,"saad ni Bea "I told him that I'll invite you and he agreed"
Bumuntong hininga si Ara.
"Sige, sasama ako"
Alam ni Ara na mayroong problema sa kan'ya pero dahil hindi naman n'ya alam kung ano talaga ito ay ipinagsawalang bahala na lang n'ya. Nalilito s'ya kung bakit s'ya nagagalit o nagtatampo.
Pero para sa kaibigan ay pumayag na lang. Baka naman kasi wala lang iyon. Nagtatampo lang s'ya dahil nga sa maselan na kabuwanan n'ya.
"Ara sorry kung hindi kita kinausap ng isang linggo," saad ni Bea "Iba rin kasi ang pagsusuyo ni Thomas eh kaya naging busy din"
"Ikaw kasi eh! Finilirt mo!"
"Hahahaha! Malay ko bang gagana sa kan'ya! Haha!"
Mabilis nawala ang tensyon sa kanilang dalawa. Basta naman silang dalawa ay mabilis na usapan lang. Hindi nakakatagal ng oras ang tampuhan nila sa isa't-isa dahil alam naman nilang mahal nila ang isa't isa bilang magkaibigan. At walang makakasira ng pagkakaibigan nabuo nila kahit ilang libong tao pa ang dumaan sa buhay nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/102247612-288-k952631.jpg)
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.