"You know what Ara, he visited me here at home! So my Dad saw him blah blah blah, we laid down in my bed blah blah blah..."
Sunod sunod ang kuwento ni Bea tungkol sa pagdalaw ni Thomas sa kan'ya pero itong si Ara ay parang may tutuli sa tainga dahil parang nabibingi s'ya at nababagabag habang nakikinig kay Bea. Alam n'yang masaya si Bea dahil minsan lang ito maging ganito sa lalaki pero ang problema ni Ara ay hindi n'ya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman n'ya.
"And finally, he asked me to travel," patuloy parin ang pagkukuwento nito "And sabi ko, isasama kita kasi mahilig ka sa ganun so pumay-"
"Wait Beng! Wait lang"
Napatigil naman si Bea sa pagkukuwento ng pinatigil s'ya ng kaibigan. Ngayon ay mabilis na ang tibok ng puso ni Ara at hindi n'ya alam kung bakit s'ya nagkakaganoon.
"Can you still help me clear the things now?," tanong ni Ara "Alam mo nagtataka na ako ah. Sobrang bilis ng lahat. Hindi naman ganiyan yung pasts mo. Tell me what is going on between the both of you"
"Sis, I asked him the same thing. Alam namin na mabilis ang lahat pero wala eh, sabi n'ya masaya naman daw s'ya at kuntento. Ganoon rin naman ako. So we don't see a problem in that"
"Tsk, ito kasi yung problema Beng eh. Hindi mo s'ya pinakilala ng maayos saakin. Sinabi mo na lang kaagad saakin kung kelan malapit ma halos na maging kayo. Paano kita maiintindihan at susuportahan d'yan sa lalaking 'yan kung hindi mo s'ya pinakikilala saakin? Di ba sabi mo saakin dati, bago ka papatol sa isang lalaki ipapadaan mo muna saakin para kung aprub ako ay sasagutin mo. Pero bakit ganito? Bakit ganiyan? Todo kuwento ka na hindi ko pa kilala 'yang lalaking 'yan! Ano bang nangyari sa isang linggo na nawala ka?! Kinalimutan mo na bang may kaibigan ka? Nag-usap lang kayo kinalimutan mo na ako! Isang linggo! I feel like it is a year! Ang dami ko ng hindi maintindihan sa'yo at sa in'yo!"
Napatahimik si Bea sa kabilang linya at nanatiling mabagal ang paghinga ni Ara. Hindi n'ya alam kung bakit s'ya nagalit pero ang tanging alam n'ya ay naiinis s'ya. Hindi n'ya alam kung bakit pero iyon lang ang tanging nasa isip n'ya. Naiinis s'ya o di kaya ay nagseselos.
Lalong naguluhan si Ara.
Nagseselos kaya s'ya kay Thomas dahil nahahatian s'ya ng oras kay Bea?
O nagseselos s'ya kay Bea dahil s'ya ang nililigawan ng lalaki?
Hindi n'ya alam kung bakit s'ya nagagalit sa kaibigan at kung bakit s'ya nagagalit sa relasyon ni Thomas at Bea ngayon.

BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomantizmAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.