Sabado na ng umaga habang nasa hardin si Ara, nagkakape at gumagawa ng trabaho n'ya ay nagtext sa kan'ya ang lalaki. Binasa n'ya ito.
..
From: Joshua
"Can I come over at your house? I would really like to see you"
..
Napairap na lang s'ya sa cell phone n'ya at pagalit na binagsak ito sa lamesa. Uminom s'ya ng kape n'ya at nagsimulang magtrabaho ulit. Gamit ang halos bagong gising n'yang mata ay binasa n'ya ang mga kailangan n'yang ayusin at tapusin sa trabaho. Kahit wala ng gana ay pinilit n'yang kumilos upang matapos ang kailangang gawin.
Habang nagtratrabaho ay tumunog ang doorbell ng bahay nila.
"Manang, yung gate po"utos ni Ara habang babad parin sa harap ng laptop n'ya ang mukha.
Binuksan ng kasambahay n'ya ang gate at narinig n'ya ang pamilyar na boses
"Hi Manang! Si Ara po?"
Kaagad s'yang napatingin sa gate. Sakto naman tinuro ni Manang kung asan s'ya kaya napatingin din sa kan'ya ang bisita.
"SIS!"
Nanlalaking matang saad nito sa tuwa.
Napabuntong hininga si Ara dahil sa wakas ay nagpakitang muli ang kaibigan n'ya sa kan'ya.
Tumakbo ang kaibigan n'ya papunta sa kan'ya at kaagad s'yang niyapos kasabay ng pagbeso.
"Sis, kamusta na? Omg, I'd miss you"
Pinalo na lang ni Ara ang kaibigan sa braso "Loka loka, ikaw 'tong nawala ng biglaan eh!"sagot n'ya at umupo sa upuan katabi n'ya.
"Hahaha, kamusta na kayo ni Joshua?"tanong nito upang masimulan na ang mahabang kuwentuhan dahil sa pagkawala n'ya ng ilang araw.
"Ikaw talaga, iyan pa talaga ang nasimulan mo noh?"inis na saad ni Ara.
"Come on! Tell me, okay na ba? What's the status na?"tanong ulit ni Bea na halatang sabik na sabik na malaman ang kuwento ni Ara.
"Ayun, ayos lang. Walang pagbabago. 2 weeks palang naman eh"sagot ni Ara.
"Luh?! Anong 2 weeks lang? Duh? In our generation two weeks already, that's too long na! Dapat nga at that very long time, kayo na eh hahaha!"
"Ang lakas! Grabe, kilala mo naman ako! Dalagang Filipina"sagot ni Ara.
"Oo nga naman, Virgin Mary pa"
"Grabe s'ya oh! Hahahaha!"
Muling nabalik ang kuwentuhan sa kanila. Parang nawala ang inis at pagkamiss sa isa't isa habang dumadaan ang oras na nag uusap sila. Nagkuwento si Ara tungkol kay Joshua habang itong si Bea ay magka idea kung ano na ang meron sa kanilang dalawa. Todo naman ang kilig nitong kaibigan n'ya sa mga kuwento ni Ara. Minsan pa nga ay nagbibigay pa ng payo at tumatawa si Bea sa mga sinasabi ni Ara.
"Bakit ba ayaw mo dun? If I were you, I'll definitely date that guy"saad ni Bea.
"Ayoko nga eh! I have no time for that nga. Besides, ayoko pa ng commitment ngayon,"sagot ni Ara "Ikaw ha, masyado mo akong pinagkakanuno d'yan sa lalaking 'yan. Magkakuntsaba ba kayo?"
Tumawa lang ng bahagya si Bea at biglang namula. Nagtaka naman si Ara.
"Oh? Bakit?"tanong ni Ara.
Napangiti si Bea na alam ni Ara na may laman ito. Kumunot ang noo n'ya.
"Magkakuntsaba nga ba kayo?"tanong ni Ara.
"Well, kind of but not totally. I just need something from him last week that's why"sagot ni Bea at ngumiti.
"You sold me! The fuck!"
"Hahahahaha! It's not much like that! Hahahaha! Chill Sis, I have something to tell you"
Napansin na ni Ara na tumitingkad ang mukha ng kan'yang kaibigan. Nagniningning ang mata at namumula ang magkabilang pisngi. S'ya ay nagtaka. Anong meron sa kaibigan ko? Tanong ni Ara sa isipan n'ya.
"Ano bang sasabihin mo? Bakit ka nawala ng isang linggo?"
Tumawa si Bea "Hindi naman ako totally na nawala! Naging busy lang"
"Bakit nga?"tanong ni Ara.
Hinawakan ni Bea ang kamay n'ya. Nagtaka na si Ara.
"I'm dating someone"
Napakunot noo si Ara.
"Ha?"
Tumawa si Bea na halatang kinikilig.
"I'm dating someone for the past few days. Well not literally dating ah, lumalabas labas kami and parang nagkaka ayos naman na kami"
Kumunot ang noo ni Ara.
"With whom?"tanong n'ya.
Ngumiti si Bea.
"Thomas Torres"

BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.