Habang nagtratrabaho si Ara sa opisina ay todo parin ang pagku-kuwento ng kan'yang kaibigan. Nasa opisina n'ya si Bea dahil wala naman itong gagawin ng araw na iyon kaya pumunta s'ya sa kaibigan para makipagkuwentuhan. Napapatawa na lang s'ya dahil tila walang kapaguran ang pagkukuwento nito tungkol sa nangyari sa kan'ya at sa lalaking nakilala n'ya.
"Pati ba naman Atenista pinatulan mo"saad ni Ara.
"So what? Nag first move s'ya, so I relented. I swear Sis, he's hulk hihi!"
Halata kay Bea na kinikilig kilig pa ito at namumula pa ang pisngi habang nagkukuwento.
"Hay naku Beng, palagi ka ng nagkakaganyan? Paano kung may mabuo? Ano na lang sasabihin ng Daddy mo sa'yo?"tanong ni Ara sa kan'ya.
"Hmmp! Hindi naman n'ya malalaman 'to. At hindi rin naman n'ya nahahalata,"sagot ni Bea "And you know what, the next morning, kitang kitang 'yung hickies ko sa leeg. And it is sooo embarrassing!"
"Bakit?"natatawang tanong ni Ara.
"Well, Yaya saw it! Buti na lang, she did not tell it to Daddy. Like sobrang dami talaga. Hanggang ngayon nga oh, meron pa"sagot ni Bea at pinakita ang mga bakas pang chikinini n'ya sa leeg "Yesterday nga, hindi ko tinali ang buhok ko para matakluban itong mga 'to"
"Hahaha! Baliw, kitang kita ko kaya 'yan nung bumalik ka"
"What do you mean?"
"Eh 'di ba? Nawala ka na lang bigla. Bumalik ka sa table mag-aalas kuwatro na ng umaga tapos ayun, ang laki ng ngiti mo. Napansin na naming lahat iyan. Natawa na lang kami at lasing na lasing ka na, di ka na makausap ng maayos kaya inuwi na kita"sagot ni Ara.
"Ang galing kasi n'ya! Ang sarap sarap pa"
"Beng huwag mo kong i-dirty talk! Anak ng tinapa. Nagtratrabaho ako"
Natawa na lang si Bea at medyo sumandal sa sofa. Habang abala si Ara ay tumunog ang kan'yang cell phone pero si Bea ang nakapansin nito. Tumayo s'ya at kinuha ang telepono ng kaibigan at laking bigla na lang n'ya ng makita kung sino ang nagtext kay Ara.
Inasar n'ya si Ara at binasa ang text message.
"Hi Ara,"panimula ni Bea "I hope I'm not interrupting you. Free ka ba mamaya? Can I take you to lunch?"
Napatingin si Ara sa kaibigan. Tiningnan s'ya ng nakakaloko nito.
"So may something na pala kayo hindi mo man lang sinasabi saakin"

BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomansaAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.