Chapter 34

711 37 12
                                    

"Sis, tabi kami ah"pagpapa alam ni Bea.

"Psh, sure. Ikaw may-ari nito, tungaw"pagbibiro ni Ara at natawa si Bea. Umupo silang dalawa sa harap ni Ara at todo parin ang bilis ng tibok nitong puso n'ya.

Halata naman kay Bea dahil nagkita na muli ang kan'yang matalik na kaibigan at ang kan'yang bagong lalaki.

"So what brings you here, Sis?"tanong ni Bea.

"Stress"sagot ni Ara "Ang sarap tuktukan ng Boss kong mas maarte pa sa Tito ko"

"Ay weh? Dapat talaga sinusumbong mo na 'yan sa Tito mo"saad ni Bea "Ito ngang si Thomas oh, Financial Officer nila pinatanggal n'ya sa Dad n'ya kasi nagtalo silang dalawa. Dapat ikaw din, malakas ka naman sa Tito mo ah"

Napatawa na lang ng konti si Ara "You know I can't do that"sagot n'ya "Besides it can help me naman to grow"

"Saan ka ba nagtratrabaho?"

Nabigla nang bahagya si Ara ng tanungin s'ya ni Thomas. Hindi n'ya kayang tignan ang mga mata ni Thomas at panay ang pagbaling ng mata n'ya. Sinagot n'ya ang tanong ni Thomas na bumabaling baling parin ang mata kung saan saan.

"Ahh, I know that company"saad ni Thomas "That's a good one though"

Napangiti na lang si Ara.

"Thommy, tell her your plan on Saturday"sabik na saad ni Bea.

Napatingin naman si Thomas kay Ara. Napatungo ng bahagya si Ara pero pilit n'ya itong nilalaban.

"Hmm plan namin na car ko na lang ang gagamitin at susunduin ka na lang namin do'n ng 5 am"saad ni Thomas "Balak kasi naming mag mini adventure lang. Nothing much"

"Paanong mini adventure?"tanong ni Ara na animo'y nakikisakay na sa presensya n'ya.

"Hmm, we're going in a Province. In Pampanga"

Napataas ang isang kilay ni Ara.

"Province ko yun"bulong ni Ara.

"We're going to this Lola Corazon Leisure Farm"saad ni Bea "They have zipline, wall climbing, rapelling and even fun stuffs. They said it's for kids but when I saw it, it's a good place to rest and have fun. It's cheap pa"

Napatango tango naman si Ara.

"Well actully, it's not really much. It's literally for kids or team buildings but you know naman itong kaibigan mo, mukhang iba ang takbo ng utak"pagbibiro ni Thomas at medyo pinalo s'ya ni Bea.

"Hmmm, how about pocket money?"tanong ni Ara.

"Oh don't worry, this rich kid will answer everything"pagbibiro ni Bea na ang tinutukoy ay si Thomas.

"Oh, yeah. It'll be great"

Kahit hindi naman masyadong interesado si Ara ay pumayag na lang alang alang sa kaibigan n'ya.

"Guys, wait lang ha. I think someone's calling me in my office"saad ni Bea "Wait lang"

Pumayag naman ang dalawa at ito na ang kinakatakot ni Ara. Naiwan silang dalawa ni Thomas na magkasama.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon