"Babe!"
Pagtawag ni Jeanine sa boyfriend n'yang nakaupo sa isang table sa tabi at abala sa pakikipag kuwentuhan. Tumingin naman sa kan'ya ang lalaking maskulado, maputi at chinito. Makinis ang balat at mukhang may lahing Intsik.
"Oh, baby. Who's with you?"tanong nito at tumayo. Inakbayan ang girlfriend n'ya at tiningnan yung dalawang babae.
"This is Louie and this is Bea. My new friends"sagot ni Jeanine at ngumiti ang magkaibigan.
"Hello, Jeron girls,"saad nung lalaki at inilahad ang kamay "Jeron Teng"
Ngumiti ang dalawang at nakipag kamay.
"Sit here, my friends would like to see you here"pagyaya ni Jeron. Ngumiti naman ang dalawa at kaagad na pumayag.
Umupo sila katabi yung mga lalaking kaibigan ni Jeron na yung iba ay may katabi ring mga kasintahan.
"This is Jollo and his girlfriend Monica,"sinimulan ni Jeanine ang pagpapakilala sa mga kaibigan nila. "This is Aljun, Avo, Joshua, Prince,and his brother Ricci. Ricci is with his girlfriend Michelle"
Nagkabatian na lang sila at mukhang magkakakilala na sila sa mukha. Bukod sa mga sikat na kumpanya ang kanilang pamilya na kinabibilangan ay lahat sila ay galing sa iisang unibersidad kaya magkakakilala. Lalo na ang mga babae dahil magkaka-kaklase sila.
"Wait, you are Bea Escudero right?"tanong nitong Michelle kay Bea.
"Yes"sagot ni Bea.
"Then you are the Miss DLSU? Or Ambassadress? Right? I don't know what year but I think you are"saad nito na mukhang namumukhaan s'ya.
"Umm yeah, that's me"sagot ni Bea.
"Ahh, kaya pala familiar yung mukha n'ya saakin"saad ni Aljun.
"Oo nga, s'ya pala 'yun"saad ni Ricci "Hindi ba't s'ya yung muling nagbalik ng korona sa Faculty of Psychology?"
"Yeah s'ya yun"sagot ng mga kasamahan na mukhang naaalala na.
Natutuwa naman si Bea kasi nakikilala s'ya at sa isip-isip n'ya ay hindi na mahirap sa kan'yang makipagkaibigan sa kanila.
"S'ya yung sumunod sa yabag ni Arra San Agustin eh"saad ni Jeron "Am I right? Kasi matagal na hindi nananalo ang Faculty of Psychology at ang huling nanalo noon ay si Arra pa. Ikaw yata yung muling nagbalik nun after n'ya"
Napatawa si Bea ng konti "Well yeah, she personally congratulated me before kasi nabalik ko nga raw yung crown sa Faculty but pshh, that's nothing to me"
Napatango tango naman sila.
"Well, speaking of Arra. Hindi ba't ex ni Thomas yun?"tanong ni Prince "Nakamove on na ba s'ya dun? 4 years din sila nun!"
"Duh?! It's been 2 years since they've broke up. For sure, Thomas moved on na"sagot ni Monica habang kumakain ng peanuts.
"Eh di ba? Before they both graduated nakipaghiwalay si Ate Arra sa kan'ya?"tanong ni Jollo
"Ano ba? Bakit n'yo pinag uusapan 'yung dalawang yun? Ang tagal tagal na nun eh"tanong ni Jeanine "Besides, asan ba si Thomas? He's right here lang naman kanina ah"
Nilapit ni Jeron ang mukha n'ya sa ulo ng girlfriend n'ya at hinalikan ito.
"He's our DJ baby. Can't you hear it? He's playing"
Napataas ang isang kilay ni Bea ng marinig n'ya iyon. Bahagya s'yang nakaramdam ng kakaiba ng marinig n'ya iyong Thomas na sinasabing DJ ngayon.
.
.
.
.
.
Hello Guys! Please keep on voting! This story will be updated if every chapters will get fifty and above votes. This is a great story for you guys! I made this last month and I hope you'll enjoy this novel.
Give thanks to @EditorInShip for the wonderful book cover. What a nice job! Hands down! Tunay na maaasahan. God bless!
![](https://img.wattpad.com/cover/102247612-288-k952631.jpg)
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.