Kumatok si Bea sa pinto sa personal na opisina ng kan'yang Ama habang hawak hawak ang kamay ni Thomas. Wala naman siyang kaba na nararamdaman dahil kilala naman s'ya ng Tatay ni Bea dahil minsan habang nagre-review si Bea ay naka video call sila at nakikita sila ng Nanay o Tatay ni Bea. Wala namang problema ang mga magulang ni Bea sa kan'ya.
Binuksan si Bea ang pinto.
"Daddy"pagtawag n'ya at tiningnan s'ya ng kan'yang Ama.
"Oh?"bati ng Ama na halatang nabigla. Nakita muli ang lalaking laging kausap ng anak n'ya.
"Good Evening po Tito"bati ni Thomas.
Napangiti naman ito sa kan'ya "It's good to see you again"
Napangiti na lamang si Thomas.
"Daddy we're just gonna hang out in my bedroom"pagpapa alam ni Bea.
"Yeah, sure. Ask Manang for some food for the both of you"
Ngumiti si Bea "Okay Daddy"
Sinarhan na lang muli n'ya ang pinto at umakyat na sila ng hagdan.
"Sorry 'bout my place. Medyo magulo, lalo na sa room ko"saad ni Bea habang paakyat sila.
"It's fine"sagot lang ni Thomas.
Pumasok sila ng kuwarto at hindi na lang maiwasan ni Thomas na medyo matawa. Punong puno kasi ito ng teddy bear at light pink ang kulay ng kama.
"Ha-Ha-Ha very funny"sarkastikong saad ni Bea. Nilock n'ya ang pinto at pinagmasdan pa n'ya ang buong kuwarto. Malaki ito at parang salas na ang dating. May balcony pa s'ya at punong puno ng disenyo at mga litrato.
Dumiretso si Bea sa study table n'ya upang tanggalin ang mga kalat na nagawa n'ya at si Thomas naman ay lumapit upang tingnan yung nakasabit sa dingding na mga litrato.
Tinitigan n'ya ang mga litrato dahil tanging si Bea at Ara ang nandito at sa likod ay mga lugar na napuntahan nila. Tinitigan lang n'ya ito.
"Do you remember her?"tanong ni Bea habang nagliligpit.
Matagal bago nakasagot ng Oo si Thomas dahil tinititigan n'ya ang nga litrato.
"Ang dami n'yo na palang napuntahan"saad ni Thomas.
"Well, yeah. Yung iba d'yan celebration of our anniversary as friends and yung iba naman birthday n'ya or birthday ko,"kuwento ni Bea "Mahilig kasi kaming mag road trip. Si Ara kasi gustong gusto yung soul searching"
"Gaano na ba kayo katagal na magkaibigan?"tanong ni Thomas.
"Hmm I don't know. Hindi kami totally na nagbibilang pero alam lang namin April 14 kami nagce-celebrate. Since High School, we're friends na"
Napatango tango naman si Thomas. Tiningnan n'ya yung kausap n'ya at medyo napangisi s'ya dahil nakita n'yang nagliligpit si Bea at medyo yumuyuko pa, sakto, nakatalikod sa kan'ya si Bea. Kitang kita tuloy ang puwet ng babae.
Kaagad s'yang lumapit dito at niyapos galing sa likod.
"Ahh! Thom! Stop! Hahahahaha!"
"Haha, I totally miss you"sagot ni Thomas at hinalikan sa balikat ang babae.
"Urgh, so flirty ah"saad ni Bea at hinawakan ang braso ng lalaki na nakapulupot sa baywang n'ya.
"You know how much I like flirting with you,"bulong ni Thomas sa tainga ni Bea "You are such a modest yet hot lady"
Napangiti si Bea.
"Wanna lay down in my bed?"tanong ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.