"Mahirap kasi, kailangan ako yung dapat nagpapakumbaba"saad ni Thomas habang umaakyat sila para sumubok sa pagra-rapelling.
"Ano ka ba? Naging lalaki ka pa kung hindi mo kayang suyuin ang isang babae. Malamang gusto niyang nilalambing mo siya"sagot ni Ara.
"Minsan naman kasi talaga ayos siya, medyo moody nga lang. Gusto laging nilalambing siya at siya ang unang nilalapitan"pagpapaliwanag ni Thomas.
Naka akyat sila sa taas at binigyan sila ng instruksyon kung paano bumaba kaya sinunod nila yun. Sabay silang bumaba ng dahan dahan. Kung tutuusin, kaya ni Thomas bumaba ng mabilis. Kailangan lang niyang sabayan ang dalaga dahil nakikipag kuwentuhan.
"Alam mo kasi si Beng, mataas talaga ang pride niya. Hindi siya basta basta nagbababa nun. Kaya ang gawin mo, ikaw muna ang magpakumbaba. Hayaan mong bumaba ang ego niya para sa iyo, turuan mo siyang ipagkatiwala sa iyo yung pride niya"pagbibigay ng tulong ni Ara.
"How and why?"tanong ni Thomas habang tinititigan parin niya ang babae.
"Thomas, kung gusto mo talaga si Beng ikaw ang mag adjust. Hindi naman madamot si Bea eh for sure mabilis mong mapapa amo iyan basta't magtsatsaga ka. Kapag nakita naman niya yung effort mo, for sure naman mabilis niyang ma a appreciate yun. Mabilis din siyang lalambot sa'yo at mabibigla ka na lang, hinahabol habol ka na ng isang Bea Escudero"sagot ni Ara.
Kumunot ang noo ni Thomas "How'd you know it will work?"
"Jusko Thomas, since high school napakisamahan ko ang kabaliwan ni Beng. I know her strengths and weaknesses. Atsaka, kaya nga ako ang naging kaibigan niya eh, ako lang kasi talaga yung mas nakakaintindi sa kaniya"
"So sa tingin mo susuyuin ko talaga siya palagi?"tanong ni Thomas.
"Aba oo naman, lalo na ngayong nanliligaw ka palang. Kailangan mas mahaba pasensya mo"
Napatango tango naman si Thomas. Habang bumababa sila ay naririnig parin nila ang malakas na patugtog sa baba. Nakakatawa na nga lang kasi makalumang mga kanta ang pinapatugtog. Kanta ni Justin Bieber na sumikat noong 2012 kasama ang negrang rapper na si Nicki Minaj. Ang Beauty and the Beat.
Biglang ngumisi si Thomas.
"Fetus pa yata ako nung sumikat pa iyang kanta na iyan ah"pagbibiro ni Thomas.
"Ay grabe naman,"natatawang saad ni Ara at natawa si Thomas
"Kailangan daw iyan,"saad ni Ara "Kapag may music kasi, mas nare relax yung mga tao kaya hindi na sila matatakot na magtry ng activities. Like this, mababawasan ang kaba kapag nakakadinig ng kanta"
"Oo nga pero bakit kasi ganiyang kanta di ba? Pwede namang yung mas bago"saad ni Thomas at natawa na lang si Ara.
Mas binilisan nila ang bumaba at pagkababa ay tumapat si Thomas kay Ara habang naghuhubad ng gloves si Ara.
"Do you think she can fell for me?"tanong ni Thomas habang tinatanggalan sila ng harness.
Medyo napaisip si Ara "I know a lot of thing about Bea, but I am not her. Still, that's her will and decision"
Napasimangot nang konti si Thomas "I will be heartbroken if she will not"
Kaagad na natawa ng konti si Ara "Urgh, as if namang si Beng lang yung nag iisang babae diyan,"sagot ni Ara at naglakad sila para ibalik sa lalagyan yung gloves at helmet "Marami pang babae sa mundo, huwag kang malulungkot kung mawawala ang isang babae sa'yo sa mundo na may bilyong mga babae"
"Ewan ko ba, iba lang talaga ang tama ni Bea sa akin"saad ni Thomas. Napailing iling na lang si Ara habang nakangisi at kinuha yung gamit niya. Kaagad siyang tinulungan ni Thomas na kunin yung gamit ni Ara.
"I didn't know that you're a photographer"saad ni Thomas habang tinitingnan yung camera ni Ara.
"Sus, feelingera lang"sagot ni Ara at naglakad na siya pabalik.
"Can I see your shots?"
Binigay niya yung camera kay Thomas
"Please be careful with it, it's really special" saad ng dalaga at iniwanan ang lalaki.
Kaagad namang namangha si Thomas ng makita niya ang mga nakuhanang litrato ni Ara. Lalo na yung mga patagong litrato niya sa dalawa. Napangiti si Thomas nung makita yung mga litrato nila ni Bea na nakangiti at nagkatingin sa isa't isa.
"Ara!"
Tumakbo si Thomas para sundan ang babae. Hindi lumingon si Ara at nagpatuloy sa paglalakad.
"Can you send me these pictures? Ang ganda nitong mga kuha mo"tuwang sabi ni Thomas at hindi nawawala ang ngiti habang pinagmamasdan yung mga larawan.
"I don't have my laptop"
"I have mine"kaagad na sagot ni Thomas "Send me please?"
"God, stop saying please to me"saad ni Ara at tumigil sa paglalakad. Kinuha niya ang camera kay Thomas. Nabigla naman si Thomas at napatigil din.
"Ayokong nagbe-beg sa akin ang isang tao. I'll give my sd card to you tonight"sagot ni Ara at muling naglakad.
"Anyway, can you talk to Bea for me?"tanong ni Thomas habang sinusundan si Ara sa paglalakad. Si Ara naman ay diretso lang ang tingin. Naghahanap ng magandang makukuhanan ng litrato.
"Bakit hindi ikaw?"tanong ni Ara at tumigil nung makita ang isang bahay kubo.
"Ikaw muna, then after no'n ako naman"
Napakunot noo si Ara "Masyado kang tamad ayusin ang problema. Ayaw ni Bea yung ganiyan, gusto niya kapag may problema, hindi lilipas ang isang araw na hindi na sosolusyonan"
Tinaas niya ang camera niya at kumuha ng litrato.
"Wala pa ko sa wisyong magkaroon ng seryosong usapan eh. Ikaw muna Ara"saad ni Thomas sabay winagayway yung kamay sa harap ng camera ni Ara.
Biglang pinalo ni Ara ang kamay ni Thomas.
"Huwag mong sirain yung shot ko"pananaway ni Ara.
"Talk to her please?"
"Stop saying please"
"Talk to her, utang na loob"
Kaagad napahawak sa ulo si Ara "My God"bulong niya at naglakad na palayo.
"Uy, saan ka pupunta?"tanong ni Thomas habang medyo natatawa.
"Kakausapin si Beng,"sagot ni Ara at lumingon "Happy?"
Ngumiti si Thomas "I like your sarcastic voice"pangloloko pa nito.
BINABASA MO ANG
Third Wheel
RomanceAng taong naiipit sa pagitan ng dalawang nag iibigan ang siyang lumalaban para sa lalaking minamahal ng kaniyang kaibigan.