Chapter 20

813 55 3
                                    

Dumaan ang dalawang oras at mukhang nagkakamabutihan na sila. Nagkuwe-kuwentuhan kasi sila tungkol sa mga Prof nila sa La Salle na kilalang kilala nila dahil lahat sila ay tapos sa unibersidad na iyon. Konting pangloloko at pagbibigay komento sa pagtuturo ng Prof nila noong nag aaral pa sila. Halos lasing na rin sila kaya itong si Jeanine ay muling nagyaya na sumayaw ngunit nagpa iwan si Ara. Bukod sa hilo na s'ya at hindi na n'ya kayang magsayaw pa ay ayaw na n'yang makipag gitgitan sa mga taong nagsasayaw.

Kapansin pansin na nagbubulungan ang mga lalaking natira sa kinauupuan pero para silang nagbibiruan. Umakto na lamang si Ara na kunwari ay hindi n'ya napapansin ang bulungan nina Aljun, Jollo, Avo, Jeron at Joshua. Pero di kala unan ay nagpaalam na aalis muna si Aljun, Jollo at Avo upang sundan sina Thomas at Prince doon kay Tobe na kaibigan nila. Kaya ang naiwan ay si Jeron at Joshua. Syempre, naiwan din ang walang pakialam sa paligid na magkatipan na si Michelle at Ricci.

Nabigla ng kaunti si Ara ng tumabi sa kan'ya si Joshua. Iba ang naramdaman n'ya dahil sobrang pagdikit ang ginawa sa kan'ya nito.

"Are you enjoying the party?"tanong ng lalaki.

Napakipit balikat lang si Ara "I guess" sagot niya at ngumiti ng kaunti.

Napatawa lang ang lalaki "I should properly introduce myself to you,"saad ng lalaki habang hindi nawawala ang malagkit na tingin sa mga mata ni Ara "I'm Joshua Torralba, you can call me Josh if you want"

Ngumiti ang dalaga "Ara,"sagot niya "Victonara Galang"

Napatango tango ang lalaki "That's a good name. Saan galing yung name mo?"

Napalunok si Ara "Well, yung Victo pinaghalong name ng parents ko. Vic from Maria Victoria and yung To is from Tito, nickname of my Dad. And yung Nara is from narra tree para daw strong"

"Ooooh!"

Namangha ang lalaki at natawa lang naman si Ara.

"A girl named after Narra Tree"saad ni Joshua "Now I can't forget that"

Napatawa lang muli si Ara ng konti at napatungo.

"Umm Ara, I don't want to be too straight forward but I just don't want to make you confuse or something but I do appreciate you"

Nabigla naman si Ara.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon