Chapter 18

783 51 6
                                    

"Uy, Sis"

Kinalabit ni Bea si Ara pero nanatili parin itong tulala habang nakatitig sa DJ na umiinom ng alak.

"Sis"

Kinurot s'ya nito at nagising na siya katotohanan. Napatingin s'ya kay Bea at tiningnan s'ya ng nakakaloko.

"Guwapo noh?"pang aasar na bulong ni Bea. Napakunot noo lang si Ara at napailing iling.

"Gaga hindi,"sagot ni Ara "Hindi lang ako makapaniwala"

"Bakit?"

"Torres talaga s'ya. Nililigawan kaya ng company namin yung family n'ya upang pirmahan yung kontrata para saamin na ipapatayong branch sa property nila sa Tagaytay"

Napairap naman si Bea "We're at the party, trabaho parin iniisip mo. Abnormal ka"

Napatawa si Ara at pinalo ng haplos si Bea.

"Nga pala, Ara this is Thomas"saad ni Jeanine.

Napatingin na lang si Ara kay Thomas at hinihintay kung papansinin s'ya ng mukhang walang pakialam na lalaki. Pero nabigla s'ya ng tingnan s'ya nito kahit umiinom.

Ngumiti lang ng bahagya si Ara pero binaba ng lalaki ang iniinom n'ya at inilahad ang kamay.

"Thomas"

Nabigla s'ya ng magpakilala ang lalaki ng maayos sa kan'ya.

Nabigla lang s'ya dahil ang unang pagkakakilala n'ya sa lalaki ay suplado lalo na nung binastos n'ya si Bea pero nung magpakilala ito ay tila napakita na may ibang ugali rin ito.

Tiningnan s'ya ni Bea na may panloloko at medyo natawa sila ng patago.

Hinawakan naman n'ya ang kamay ni Thomas.

"Ara"

Nabigla naman s'ya ng mahaplos ang kamay ng lalaki. May ibang tekstura ito at iba ang dating sa kan'ya.

Nung nagbitaw ang kamay nila ay tinago ni Ara ang kamay n'ya na nahawakan ng lalaki at nilasap ang natitirang pakiramdam ng kamay ng lalaki sa kamay n'ya.

"Kapangalan mo ex ko"saad ni Thomas at muling uminom.

Napangiti lang ng bahagya si Ara, halatang nahihiya. Napatungo na lang s'ya at medyo pinakiramdaman ang dibdib. Nagtataka s'ya. Bakit iba ang nararamdaman n'ya?

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon